^

Bansa

Inutang ng Duterte admin '10% lang napunta sa COVID response,' imbestigahan — Bayan Muna

James Relativo - Philstar.com
Inutang ng Duterte admin '10% lang napunta sa COVID response,' imbestigahan — Bayan Muna
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagtatalumpati sa Davao City, ika-6 ng Hunyo, 2022
Presidential Photos/Joey Dalumpines

MANILA, Philippines — Hinamon ng isang progresibong grupo si president-elect Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang utang na kinuha ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang termino, lalo na't kakarampot lang daw ang napunta sa pagtugon sa COVID-19 habang ayaw suspindihin ang fuel excise tax.

Abril lang nang sumirit sa P12.76 trilyon ang outstanding debt ng pamahalaan — ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas — na lagpas doble ng P5.94 trilyong utang na meron ang bansa noong simula ng termino ni Duterte noong Hunyo 2016.

Katumbas na ng 63.5% ng kabuuang ekonomiya ng Pilipinas ang utang ng bansa noong Marso.

"Ang sabi nila, lumaki ang utang dahil sa COVID 19 response. But truth be told, out of the total P6.7 trillion national debt [incurred during Duterte's term], roughly only 10 percent, or around P616 billion, has been disbursed for COVID response," ani Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, Huwebes.

"Many of these loans are questionable in nature, with these sources funding infrastructure projects na sana ipinahinto muna dahil sa pandemya."

Utang vs pagsuspindi ng fuel excise tax

Aniya, kailangang maipaliwanag ang laki ng utang na kinuha mula 2016 hanggang kasalukuyan lalo na't patuloy na tumatanggi ang gobyernong suspindihin ang fuel excise tax "para lang mabayaran ng utang."

Matagal nang panawagan ng mga kritiko na isuspindi ng gobyerno ang pangongolekta ng excise tax sa langis bilang tugon sa sunod-sunod na oil price hikes. Gayunpaman, sinasabi ng Department of Finance na lalong lalaki ang utang ng bansa kung gagawin ito.

Umabot sa mahigit P6/litro sa diesel at P2/litro sa gasolina ang big-time oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong ika-7 ng Hunyo, dahilan para umaray ang mga tsuper. Dahil dito, tumaas tuloy patungong P10 ang minimum na pasahe sa jeep.

"As it is, the government has already collected around P440 billion in excise taxes, already ahead of its collection targets for the quarter. The incoming administration has the duty to investigate Pres. Duterte's borrowings," saad pa ni Colmenares.

"Makatarungan ba ang mga kondisyong sa ilalim nito? Nagamit ba sa tama ang pera? The incoming president should investigate and prosecute those who squandered these borrowings, which now threatens to further reduce the measly tax breaks that ordinary Filipinos have."

Sa kabila ng naglalakihang utang ng gobyerno ng Pilipinas, naninindigan ang World Bank na "manageable" pa rin ang debt level ng bansa ngunit kailangan daw ng fiscal consolidation plan ng estado para mapigilan ang mas malaking epekto sa ekonomiya.

BAYAN MUNA

BONGBONG MARCOS

DEBT

FUEL EXCISE TAX

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with