^

Bansa

Party-lists may 6 buwan pa bago maghain ng SOCE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May anim na buwan pa ang mga nanalong kandidato at mga party-list groups para maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) kahit na nagtapos ang inisyal na palugit ng pagsusumite nito sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Ito ay makaraang sabihin ni  Comelec-Education and Information Division (EID) Director James Jimenez na ang June 8 deadline na ibinigay ng poll body sa mga kandidato ay pinal na at hindi na palalawigin pa.

Maliban lamang sa mga nanalong kandidato at party-list groups, na bibigyan pa ng anim na buwan, mula sa araw ng kanilang proklamasyon para makapaghain ng kanilang SOCE.

“COMELEC Resolution No. 9991, as amended by Resolution No. 10505, governs campaign finance and disclosure. The June 8 deadline in relation to the 2022 NLE is final and non-extendible, except for winning candidates and party list groups,” mensahe ni Jimenez sa mga mamahayag.

Matapos ang anim na buwan at bigo pa rin ang mga nanalong kandidato na m­aghain ng SOCE, idedeklara nang permanenteng bakante ang kanyang posisyon.

“The office of an elected candidate who failed to file their SOCE shall be deemed vacant until they have complied and submitted their SOCE within a period of six months from proclamation. After the lapse of said period, a permanent vacancy occurs,” paliwanag pa niya.

SOCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with