^

Bansa

P623 million gastos ni Marcos sa presidential campaign

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P623 million gastos ni Marcos sa presidential campaign
Presidential candidate Bongbong Marcos greets a crowd of supporters in Quezon province on Tuesday, March 22, 2022 where Marcos lost to Vice President Leni Robredo in the 2016 elections.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Nagsumite na rin si President-elect Ferdinand Marcos Jr. ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections kaugnay ng nakaraang halalan na nagkakahalaga ng P623 milyon.

Sa isinumite niyang SOCE nitong Martes, nasa kabuuang P623,230,176.68 mula sa tinanggap niyang pondo sa kaniyang partidong Partido Federal ng Pilipinas na P624,684,320.09 ang ginastos niya sa halalan.

May nalalabi pa namang P1,454,143.41 na hindi nagastos na campaign fund mula sa PFP si Marcos.

Nagsumite naman ang PFP ng sarili nilang SOCE sa Comelec na aabot naman sa hala­gang P272 milyon para sa 2022 National at Local Elections na karamihan ay ginastos nila para sa standard bearer nilang si Marcos Jr.

May P373,250,000 sa ginastos ni Marcos naman ang nagmula sa ibang sources na hindi pa malinaw kung sinu-sino ang mga ito.

Nasa P247,234,320.09 na ‘in-kind contributions’ ang natanggap ni Marcos buhat sa PFP at karagdagang P4,200,000 ‘in-kind’ na kontribusyon sa ibang “sources”.

Iginiit ng kampo ni Marcos na wala silang ginamit na personal na pera sa pagpapatakbo ng kanilang kampanya na nagresulta ng 31 milyong boto.

Ayon sa batas, pinapayagan ang mga kandidato sa pagka-Pangulo na gumastos lamang ng P10 kada rehistradong botante, o katumbas ng P674 mil­yon. 

SOCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with