^

Bansa

Marcos Jr. 'higit P623-M' nagastos sa eleksyon, pasok naman sa spending limit

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. 'higit P623-M' nagastos sa eleksyon, pasok naman sa spending limit
Litrato ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Inihain na ng kampo ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang statement of contribution and expenditures (SOCE) — bagay na nagdedetalye sa kanilang mga nagastos para sa eleksyong 2022.

Ayon sa kanyang SOCE, Martes, P623,230,176.68  ang nagastos nina Bongbong mula sa natanggap na P624,684,320.09 kontribusyon.

Narito ang breakdown ng gastusin nina Bongbong:

  • mula sa sariling bulsa ni Marcos Jr. (P0.00)
  • mula sa cash contributions (P371,795,856.59)
  • mula sa mga in-kind contributions (P251,434,320.09)

Ang P623.23 milyong ito ay pasok pa rin sa P674 milyong "spending limit" na alinsunod sa Republic Act 7166 para sa mga kumandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente.

Sa ilalim kasi ng naturang batas, P10 kada rehistradong botante lang ang pwedeng gastusin ng isang kandidato sa pagkapangulo. Sinasabing 67,442,714 ang rehistradong botante noong ika-9 ng Mayo.

Ganito naman ang itsura ng mga natanggap nilang kontribusyon:

  • cash contributions mula sa "other sources" (P373,250,000)
  • in-kind contributions mula sa "other sources" (P4,200,000)
  • cash contributions mula sa partido (P0.00)
  • in-kind contributions mula sa partido (P247,234,320,09)

Lunes lang nang sabihin ng Partido Federal ng Pilipinas, na kinabibilangan ni Marcos Jr., na umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.

Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng "troll farms" — na nangangailan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.

Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.

Bukas, ika-8 ng Hunyo, ang deadline ng pagpapasa ng SOCE ng mga kumandidato noong 2022.

Iprinoklama ng Konggreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. — may mga ulat mula sa News5

Antabayanan ang karagdagang detalye sa balitang ito

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with