^

Bansa

Korte Suprema ibinasura kaso ni Mel Tiangco vs ABS-CBN

James Relativo - Philstar.com
Korte Suprema ibinasura kaso ni Mel Tiangco vs ABS-CBN
Litrato ni Mel Tiangco (kaliwa) at tarangkahan ng ABS-CBN (kanan)
The STAR, File; AFP/Maria Tan File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court ang "petition for review" na inihain ng journalist na si Mel Tiangco matapos niyang kwestyonin ang desisyon ng Court of Appeals sa reklamo niyang illegal dismissal at suspension laban sa ABS-CBN dahil sa paglabas sa patalastas sa telebisyon.

Kaugnay ito ng kanyang three-month suspension without pay bilang co-anchor ng "TV Patrol" at radio show na "Mel & Jay" noong 1999 dahil sa diumano'y paglabag niya sa memorandum ng Kapamilya network dahil sa paglabas sa commercial ng Tide na iniere noong Disyembre 1995.

"[T]he Court also affirmed the January 27, 2012 Decision of the [Court of Appeals]. which approved the Partial Settlement Agreement dated December 15, 2011 between her and ABS-CBN and rendered judgement declaring that the remaining issues in the case had become moot and academic," wika pa ng SC, Biyernes.

Sa memorandum na inilabas ng ABS-CBN noong ika-8 ng 1995, initusan ang lahat ng on-air at on-camera talents at employees sa radyo at public affairs department na umiwas sa paglabas sa mga patalastas, bagay na na kinikilala nilang seryosong paglabag sa panuntunan ng kumpanya.

Ika-11 ng Marso, 1996 nang maghain ng reklamo si Tiangco laban sa ABS-CBN at mga opisyal nito para sa illegal dismissal, suspension at monetary claims. Pinanigan ng Labor Arbiter noon si Tiangco at idineklarang iligal ang kanyang suspensyon at pagkakasisante.

Sa kabila nito, binaliktad ng National Labor Relations Commission ang desisyon ng Labor Arbiter, dahilan para iangat ni Tiangco ang laban sa CA dahil sa "grave abuse of discretion." 

Ni-refer ang kaso niya sa Philippine Mediation Center noong 2010, kung kaya't nagpirmahan ang mga partido ng Partial Settlement Agreement kung saan sinabi ni Tiangco na binayaran na siya nang buo para sa claims sa sweldo, 13th month pay, travel allowance atbp. matapos ang suspensyon. Inaprubahan din ito ng CA sa kinekwestyong 2012 Decision.

Pagiging 'talent' ni Tiangco nakaapekto sa desisyon

Ayon pa sa korte, "walang karapatan" si Tiangco sa ilang benepisyong kanyang hinahabol sa ABS-CBN dahil sa hindi siya regular na empleyado ng kumpanya.

"While the Supreme Court agreed with Tiangco's contention that her claims for separation pay, damages and attorney's fees were not fully settled by virtue of the Partial Settlement Agreement between her and ABS-CBN that was approved by the CA, Tiangco was still not entitled to these claims based on the finding that she was not an employee but was an independent contractor," paliwanag pa ng Korte Suprema.

"The Court held that 'there is no inflexible rule to determine if a person is an employee or an independent contractor; thus, the characterization of the relationship must be based on the particular circumstances of each case.'"

Hindi sumang-ayon ang korte na empleyado si Tiangco batay sa isang "four-fold test." Aniya, karakter ng isang independent contractor ang pagkilala ni Tiangco na hinire siya ng ABS-CBN "specifically" para sa kanyang mga kakayahan at talento. 

Hindi rin raw pruweba ng employee-employer relationship ang pagbabayad kay Tiangco sa pamamagitan ng company payroll at pag-awas sa kanya ng income tax lalo na't pinagkaisahan lang ito "for the purposes of convenience."

Wala rin daw lumalabas sa record na gumampan ng trabaho si Tiangco labas sa pagiging anchor, o na diniktahan siya ng ABC-CBN kung paano magbasa ng balita at gawin ang iba pang mga responsibilidad.

"The Court noted that Tiangco herself admitted she was not under the control of Abs-CBN in her role as a co-host of 'Mel & Jay,'" dagdag pa ng release.

"The Court, however, rule that Tiangco failed to establish that ABS-CBN controlled the manner by which she performed her job as 'TV Patrol' news anchor, as it found that she performed the job according to her own manner and method, free from the network's control."

Matagal nang itinutulak ng Makabayan bloc at progresibong media workers ang pagbabasura sa lahat ng uri ng kontraktwalisasyon, fixed term employment at talent system sa media, na siyang nagiging dahilan para hindi mabigyan ng benepisyo kahit ang mga nagtratrabahong matagal nang nasa isang kumpanya.

Pebrero lang nang sabihin ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na gagawin niyang prayoridad ang Security of Tenure bill. Gayunpaman, hindi raw niya tatapusin ang kontraktwalisasyon para sa lahat dahil "may seasonal" na trabaho.

ABS-CBN

CONTRACTUALIZATION

MEL TIANGCO

REGULARIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with