^

Bansa

LTFRB sinita Joyride sa 'sobra-sobrang' singil sa mga pasahero

Philstar.com
LTFRB sinita Joyride sa 'sobra-sobrang' singil sa mga pasahero
In this file photo, JoyRide, a new motorcycle taxi firm, prepares its drivers at their office in Marcos Highway, Cainta, Rizal on Monday ahead of its official launch.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport network company (TNC) na Joyride Ecommerce Technologies Corp. matapos maireklamo dahil sa paniningil diumano nang sobra-sobra kumpara sa itinatakda ng gobyerno.

"Based on a complaint submitted to the LTFRB, it was found that Joyride Ecommerce Technologies Corp. (Joyride) was charging P1,000 representing one-way ride due to what is called 'Priority Boarding Fee,'" ayon sa pahayag ng LTFRB, Huwebes.

"In a letter dated May 24, 2022, Joyride was directed to submit their written explanation to the Board why their accreditation as TNC should not be suspended and/or revoked within 10 days from receipt of the show cause order."

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-036 na itinakda ng LTFRB, narito ang pamasahe para sa mga transport network vehicles (TNVs):

  • sedan-type TNVs (P40 flagdown rate), may P15/kilometro at P2/minutong travel fare
  • premium AUV/SUV (P50 flagdown rate), may P18/kilometro at P2/minutong travel fare
  • hatchback o sub-compact type TNVs (P30 flagdown rate), may P13/kilometro at P2/minutong travel fare

Pinapayagan naman ang surge rate na doble ng pamasahe kada kilometro at per minute travel para sa lahat ng klase ng TNVs.

Bagama't walang natanggap na reklampo ang LTFRB patungkol sa ibang TNCs, sinulatan na rin ng ahensya ang iba pang TNCs bilang babala laban sa pagpapataw ng labis-labis na pamasahe kumpara sa guidelines na itinakda.

"The LTFRB intends to deploy mystery riders in the next few days to check on the compliance of the TNCs and TNVS operators on the proper fare structure and the terms and conditions the MC," sabi pa ng LTFRB.

"Any TNC and/or TNVS caught violating the terms and conditions of the MC shall be subject to fines and penalties stated in the Joint Administrative Order 2014-01."

Hinihikayat ng board ang publiko na gumagamit ng mga TNVs na ireport ang anumang iregularidad na ginagawa ng mga nasabing ride-hairing transportations sa pamamagitan ng hotline na 1342 o sa Facebook.

Kilalang nagpro-provide ng motorcycle taxi services ang Joyride, maliban pa sa delivery, pabili. Ilan pa sa mga sikat na ride-hailing services sa ngayon ang Angkas, Grab, atbp.

Kinukuha pa ng Philstar.com ang panig ng Joyride patungkol sa pahayag na ito ng LTFRB ngunit hindi pa rin tumutugon hanggang sa ngayon. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna

vuukle comment

ANG LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

ANGKAS

FARE

GRAB

JOYRIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with