^

Bansa

Naoospital dahil sa COVID-19, bahagyang tumaas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May bahagyang pagtaas sa mga nao-ospital o hospital admissions na mga pasyente ng CO­VID-19 kasunod ng napaulat na may pagtaas sa mga bagong kaso, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) nitong Sabado.

“Actually mayroong slight increase sa mga admissions pero manageable naman so far ang ating private hospitals at hindi kami masyado nababahala,” ani PHAPI President Dr. Jose de Grano sa isang public briefing.

Gayunman, karamihan aniya sa na-admit na symptomatic sa ngayon ay hindi naman malala ang kondisyon.

Nitong Biyernes ay inulat ng DOH ang 209 bagong kaso ng COVID-19, kung saan ang Metro Manila ay may 86 bagong kaso habang nasa 2,422 ang active cases.

Noong nakalipas na linggo, nakapagtala ang Metro Manila ng 17% increase sa average daily COVID cases, batay sa monitoring ng OCTA Research o mula sa 59 ave­rage daily cases na ngayon ay 71 na.

Naniniwala ang mga analyst na ang bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ay maaaring maiugnay sa pagkakaroon ng mas maraming transmissible Omicron subvariants sa bansa.

Sa Pilipinas ay natukoy ang 17 kaso ng BA.2.12.1, BA.2, at ang mas nakahahawang BA.4.

COVID-19

PHAPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with