55 nagwaging party-list groups, naiproklama na
MANILA, Philippines — Naiproklama na rin kahapon ng Commission on Elections- National Board of Canvassers ang 55 Party-list groups na nagwagi nitong nakaraang May 9 elections makaraan ang pagkakaantala ng ilang araw.
Ang naturang mga party-list groups ang bubuo sa 63 congressional seats na 20% ng kabuuang miyembro ng Kongreso, ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.
Nanguna sa mga nagwagi ang ACT-CIS na nakakuha ng tatlong seats sa Kongreso dahil sa nakalap na botong 2,11,091.
May tigda-2 representasyon naman ang limang sumunod na partylist na kinabibilangan ng 1-Rider (1,001,243), Tingog (886,959), 4PS (848,237), Ako Bicol (816,445), at Sagip (780,456).
May isang puwesto sa Kongreso ang mga partylist na: Ang Probinsyano; Uswag Ilonggo; Tutok To Win; Cibac; Senior Citizens Partylist; Agimat; Kabataan; Angat; Marino; Ako Bisaya; Probinsyano Ako; LPGMA; Api; Gabriela; CWS; Agri; Ako Ilocano Ako; Kusug Tausug; Kalinga; An Waray; AGAP; Coop Natcco; Malasakit@Bayanihan; BHW; GP Party; Bagong Henerasyon; ACT Teachers; Bicol Saro; Dumper PTDA; Pinuno; Abang Lingkod; PBA; OFW; Abono; at Anakalusugan.
Nagwagi rin ng isang puwesto ang: Kabayan; Magsasaka; 1-Pacman; APEC; Pusong Pinoy; TUCP; Patrol; Manila Teachers; AAMBIS-OWA; Philreca; TGP; Duterte Youth; P3PWD; at Alona.
Itinuloy ng NBOC ang proklamasyon sa Gabriela at Kabataan Party-lists sa kabila ng kinakaharap na disqualification case dahil sa umano’y ugnayan ng mga ito sa komunistang rebelde.
- Latest