Comelec iprinoklama 55 party-list groups na panalo sa eleksyong 2022
MANILA, Philippines — Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) sa Lungsod ng Pasay, Huwebes, ang lahat ng 55 nanalong party-list groups para sa eleksyong 2022.
Ito'y kahit una nang sinabi ni commissioner George Garcia nitong Miyerkules na posibleng hindi maglabas ng certificate of proclamation para sa mga party-list groups na humaharap sa disqualification petition, gaya na lang ng Gabriela Women's Party at Kabataan party-list.
Kasama sa iprinoklama ngayong araw ang mga sumusunod:
- Kabataan
- Gabriela
- ACT-CIS
- 4PS
- Ang Probinsyano
- Cibac
- Agimat
- Marino
- LPGMA
- CWS
- Ako Ilocano Ako
- Kalinga
- Malasakit@Bayanihan
- BH
- Bicol Saro
- Abang Lingkod
- Abono
- Magsasaka
- Pusong Pinoy
- Manila Teachers
- Alona
- 1-Rider PL
- Ako Bicol
- Uswag Ilonggo
- Senior Citizens PL
- Ako Bisaya
- Api
- Agri
- Kusug Tausug
- Agap
- BHW
- ACT Teachers
- Dumper PTDA
- PBA
- Anakalusugan
- 1-Pacman
- TUCP
- AAMBIS-OWA
- Tindog
- Sagip
- Tutok To Win
- Duterte Youth
- Angat
- Probinsyano Ako
- P3PWD
- An Waray
- Coop Natco
- GP Party
- TGP
- Pinuno
- OFW
- Kabayan
- APEC
- Patrol
- Philreca
Nobyembre 2021 nang hilingin ng Liga Independencia Pilipinas ang Comelec na aksyunan ang petisyon nila para i-disqualify ang dalawang party-list groups habang iniuugnay sila sa rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA).
Matagal nang itinatanggi ng mga naturang ligal na grupo, sa ilalim ng Makabayan bloc, ang mga nasabing alegasyon.
Magsisilbi ng tatlong taon ang mga nabanggit na grupo, bagay na magsisimula sa ika-30 ng Hunyo, 2022.
'Congrats sa mga panalo'
Binati naman ni Comelec chair Saidamen Pangarungan ang mga nagwaging party-list groups, bagay na nagbibigay kapangyarihan sa mga "marginalized" at "underrepresented" na marepresenta sa Kamara.
"I congratulate all the party-list groups and representatives who will be proclaimed today. I again congratulate and give my unending thanks to the voting public who have braved the many challenges to exercise their right of suffrage," ani Pangarungan.
"It is my hope that the voices of the voters ring clearer in the officials and representatives they voted, from the President down to the members of local councils. I pray for discernment and guidance for all of our elected leaders."
Bagama't hindi raw perpekto ang eleksyon 2022, nalampasan daw nito ang inaasahan ng poll body pagdating sa pagiging payapa, mabilis at pag-akyat nang husto ng voter's turnout.
Makakasama ng mga nanalong party-list groups ang mga nanalo bilang district representatives para sa Kamara sa 19th Congress. — may mga ulat mula kay Kaycee Valmonte
- Latest