^

Bansa

Marcos Jr. aaralin paano maabot ang pinapangarap na P20/kilong bigas

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. aaralin paano maabot ang pinapangarap na P20/kilong bigas
Kuha kay president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang nasa press conference, ika-26 ng Mayo, 2022
Video grab mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Wala pang maibigay na target date si president-elect Ferdinand "Bongbong Marcos Jr. kung kailan pwedeng maipatupad ang pangakong P20/kilong bigas — ang mahalaga raw ngayon, "mabuo muna ang value chain." 

Isa ito sa mga campaign promise ni BBM habang kumakandidato para sa eleksyong 2022, bagay na nakikitang imposible ng mga progresibong magsasaka sa kasalukuyang "liberalisasyon" at "deregulasyon" ng sektor ng agrikultura.

"The aspiration is P20. I don't know, I think if we work very hard at it, baka maabot natin 'yon... Oh, boy [walang masabing petsa]. 'Pag nabuo 'yung ating tinatawag na value chain," sagot ni Bongbong nang matanong sa isang press conference, Huwebes.

"We have to do research and development... find new varieties, find new techniques. With the price of fertilizer getting so high, ano bang alternatives natin, organic?"

"How do we mass produce that? We have to bring all these new technologies to the farm. And we have to teach them how to best take advantage of all the things we have discovered. We have to find new ways of production."

 

 

Sinasabi niya ito halos isang buwan bago pormal na umupo bilang pangulo sa ika-30 ng Hunyo. Una na niyang sinabing pwede itong magawa kung magsisilbing "middleman" ang gobyerno sa pagbili ng ani ng mga magsasaka.

Maliban sa pag-aayos ng value chain sa pangmatagalan, dapat din daw makapagpasok ng bagong teknolohiya para tumungo ang bansa sa industrial farming upang mahikayat ang mas maraming kabataang magsaka at pasukin ang sektor ng agrikultura. Bukod pa riyan, dapat din daw magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain.

Matagal nang nagrereklamo sa pagkalugi ang mga magsasaka sa mababang presyo ng palay, bagay na lalo pa raw naaapektuhan ng Rice Liberalization Law (R.A. 11203) dahil sa pagtanggal ng limitasyon sa pumapasok na imported na bigas.

Sa kabila nito, hinihimok ni outgoing Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na ituloy pa rin ang R.A. 11203 sa kabila ng planong pagpapababa ng presyo ng bigas. Una nang sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na posibleng maibaba sa P20/kilo ang bigas basta't pag-aralan nang husto.

"That's the aspiration. Bubuuin natin 'yung value chain na pinag-uusapan ko," sabi pa ni Bongbong.

"Kausap ko na 'yung ibang trader. Baka pwede nating i-hold nang ilang buwan 'yung presyong 'yon. I think we'll be able to do it."

Ika-17 lang ng Mayo nang himukin ng Anakpawis party-list ang Konggreso na ipasa ang House Bill 477 ng Makabayan bloc kung seryosong nais mapababa sa P25/kilo ang presyo ng bigas sa merkado, bagay na may "komprehensibong" plano raw sa pag-stabilize ng presyo at pag-abot ng food security.

Planong laanan ng RA 11203 ng P495 bilyong pondo ang programa kung maisasabatas sa loob ng tatlong taon.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

FARMERS

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with