Ivermectin wala talagang bisa vs COVID-19 – experts
MANILA, Philippines — Napatunayan na ng mga eksperto na walang bisa ang gamot na Ivermectin sa COVID-19 kaya itinigil na ang clinical study para rito.
Ito ang niliaw kahapon sa Laging handa public briefing ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 kaugnay sa tuluyang pagpapatigil sa pag-aaral tungkol sa Ivermectin.
Malawak aniya ang ginawang pag-aaral at nakitang walang benepisyo ang pag-inom ng nasabing gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.
Kaya aniya tuluyang itinigil ang pag-aaral sa Ivermectin sa Pilipinas.
“So itinigil na, hindi na kailangang aralan dahil malawak na ‘yung pruweba na no difference doon sa umiinom at hindi umiinom na COVID patient,” dagdag ni Herbosa.
Kabilang ang Ivermectin sa sinuri ng Food and Drug Administration at Department of Science and Technology kung mabisa nga sa COVID-19.
- Latest