^

Bansa

Pangulong Rodrigo Duterte imbitado sa proklamasyon ng 12 senador

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Rodrigo Duterte imbitado sa proklamasyon ng 12 senador
President Rodrigo Roa Duterte holds a meeting with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) and provided updates on the government's efforts to address the COVID-19 crisis in the country on January 13, 2021.
Released / PCOO Facebook page

MANILA, Philippines — Imbitado ng Commission on Elections (Comelec) si Pangulong Rodrigo Duterte sa proklamasyon ng nanalong 12 senador na gaganapin ngayong Miyerkules sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-imbita ng Pangulo ng bansa ang Comelec para sumaksi sa proklamasyon ng mga nagwaging kandidato sa halalan.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, pinadalhan din nila ng imbitasyon sina Vice President Leni Robredo, Senate President Vicente Tito Sotto III, House Speaker Lord Allan Velasco at si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Gayunman, aminado si Garcia na hindi rin sila tiyak kung makakadalo ang mga opisyal lalo pa’t mayroon ding ‘prior engagements’ sila.

Batay sa regulasyon ng Comelec, ang bawat ipoproklamang senador ay maaaring magsama ng limang indibidwal.  Ang dress code naman para sa mga bisita at nanalong kandidato ay Kasuotang Pilipino.

Hindi naman na oobligahin ng Comelec ang mga dadalo sa proklamasyon na magpakita ng negative antigen o RT-PCR test at kailangan lamang ipakita ang kanilang vaccination card.

COMELEC

PICC

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with