BBM, landslide win sa Overseas Voting
MANILA, Philippines — Itinanghal na ‘big winner’ si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos itong makakuha rin ng landslide victory mula sa mga Pilipino sa iba’t-ibang mga bansa sa katatapos na halalan.
Dahil dito, ayon sa kampo ni Marcos ay walang kaduda-duda na talagang suportado ng mayorya ng mga Pinoy ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na record-breaking sa nakuhang mahigit 31M boto sa kasaysayan ng bansa simula ng post-Edsa era.
Base sa ulat mula sa iba’t ibang Philippine diplomatic posts at sa mismong Commission on Elections (Comelec) Transparency Media server, si Marcos ay nakakuha ng 330,231 boto na malayong-malayo ang lamang mula sa 89,624 ni Vice Pres. Leni Robredo.
Sa Asia Pacific cluster kung saan kabilang ang China, Japan, Australia, Thailand, Malaysia, Korea, Singapore, at Taiwan, nakakuha si Marcos ng 159,186 boto habang 35,862 lang ang nakuha ni Robredo.
Ang pinakamaraming boto na nakuha ni Marcos ay sa Singapore, sumunod ang Japan at Taiwan.
Ang kalamangan ni Marcos ay patuloy hanggang Middle East at Africa cluster, na binubuo ng Lebanon, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, United Arab Emirates, Bahrain, Saudi Arabia, Amerika at Europe clusters.
- Latest