^

Bansa

Website ng Malacañang na may kasaysayan ng Martial Law 'di na mapasok

James Relativo - Philstar.com
martial law
A worker removes ribbons placed by demonstrators on the Bantayog ng mga Bayani bearing the names of martial law victims.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaccessible ngayon sa publiko ang Presidential Museum and Library sa pamamagitan ng malacanang.gov.ph, bagay na naglalaman ng mga detalye hinggil sa kasaysayan ng mga nagdaang presidente ng Pilipinas — kasama na ang mga kaganapan sa ilalim ng Batas Militar.

Nangyayari ito ngayong nangunguna sa partial and unofficial tally si presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. — anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagdeklara ng Martial Law noong 1972.

"Malacanang.gov.ph where the repositories of the Presidential Museum and Library were, is gone," wika ni dating Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Manuel "Manolo" Quezon III, Lunes.

Ini-link tuloy niya ang sari-saring artikulo mula sa Official Gazette ng gobyerno patungkol sa pagdedeklara ng nakatatandang Marcos ng Martial Law — bagay na pinangangambahan niyang baka i-"delete" din sa hinaharap.

Sa kabila nito, nasa libro naman na raw ang mga nabanggit at naka-back up na sa http://Archive.org, na siyang para sa publiko at hindi pinagmamay-arian ng gobyerno.

Dating pinamahalaan ni Quezon ang development ng Presidential Museum and Library at dating editor-in-chef ng Official Gazette sa ilalim ng panungkulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sinubukan din ng Philstar.com puntahan ang naturang website, ngunit hindi mapasok gamit ang iba't ibang browser.

 

 

Ayon naman kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, itatanong niya ang isyung ito sa Office of the President (OP) upang makahingi ng paglilinaw sa nangyari.

"I'll ask the OP... That site is maintained by OP," sagot niya sa panayam ng Philstar.com.

Historical revisionism?

Matagal nang isyu para sa mga istoryador, survivors ng Martial Law, mga aktibista't human rights advocates ang isyu ng historical revisionism, o pagbabago ng kasaysayan ng para paboran ang ilang mga personalidad.

Matatandaang inilibing sa Libingan ng mga Bayani sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatatandang Marcos, bagay na labis iprinotesta dahil sa implikasyon nito sa pagtingin sa kasaysayan, pang-aabuso at ill-gotten wealth ng mga Marcos.

Simula nang ipatupad ang Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1983, matatandaang umabot sa 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay, ayon sa Amnesty International.

Taong 2018 lang din nang mapagdesisyunan ng Sandiganbayan na guilty para sa pitong counts ng graft ang asawa ng nakatatandang Marcos na si Imelda.

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS

MANUEL QUEZON III

MARTIAL LAW

MARTIN ANDANAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with