^

Bansa

2 pulis Cotabato sibak sa pagpupunit ng shaded ballots sa viral video

James Relativo - Philstar.com
2 pulis Cotabato sibak sa pagpupunit ng shaded ballots sa viral video
Kuha ng dalawang kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa Cotabato City na na-videohan habang nagpupunit ng nasagutan nang balota
Video grab mula sa Twitter account na @omironic

MANILA, Philippines — Ni-"relieve" na sa pwesto ang ilang pulis sa Cotabato City matapos mag-viral ang video ng kanilang pagpupunit ng mga shaded na balota matapos ang eleksyong 2022.

Kamakailan kasi nang kumalat ang video ng dalawang naka-unipormeng kawani ng Philippine National Police (PNP) na nagpupunit ng nasagutan nang balota, dahilan para isipin nang maraming dinadaya ang eleksyong 2022.

"Information we received na the 2 PNP personnel were already relieved fm their post at nalagay na sa PHAU (Holding Center) so as not to influence the investigation," wika ni Police BGen. Roderick Augustus Alba, hepe ng PNP Public Information Office, sa Philstar.com ngayong Miyerkules.

Binanggit ito ni Alba matapos sabihin ni Comelec Commissioner George Garcia na "unfair" pang sisihin ang PNP kaugnay ng viral video habang iniimbestigahan pa ang isyu. Aniya, posibleng hindi raw kasi ito mga pulis.

Naglabas na rin ng pahayag ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region patungkol sa insidente, kung saan tiniyak nila ang "masusing imbestigasyon at validation" tungkol sa kumakalat sa social media. Ang mga police daw sa ngayon sa Cotabato City ay nagsisilbi nilang Special Board of Electoral Inspectors.

"Hinihingi po namin ang kooperasyon ng bawat mamamayan lalong lalo na sa mga kababayan natin sa Cotabato City na maging mahinahon at huwag po sana nating pangunahan ang ginagawang imbestigasyon bagkus, hayaan po nating umusad ito," ayon sa regional public information office ng PRO BAR.

"Makakaasa kayo na ang inyong kapulisan dito sa PRO BAR ay mananatiling apolotical, non-partisan, at tapat sa inumpaang tungkulin."

 

 

Kapansin-pansing bumoto para kay Bise Presidente Leni Robredo para sa pagkapresidente ang isang balotang zinoom in at pinunit sa video.

'Baka spoiled, unused ballots'

Sa isang briefing kasama ang media kanina, sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na posibleng pagkakamali lang ito sa panig ng mga pulis ngunit duda pa sa ideyang pandaraya ito. Sa kabila nito, patuloy pa rin naman daw nila itong iimbestigahan.

"Ang una pong indications — although these reports are yet to be vetted — parang ang nangyari po yata that they are tearing the unused ballots, but perhaps parang spoiled ballots po yata. Kasi parang 'yung first part lang po 'yung may shade, 'yung the succeeding parts po hindi na natin nakita," ani Laudiangco.

"The first thing that came to my mind, baka spoiled ballot tapos naisama doon sa unused ballots and that's why they are tearing it up."

Dagdag pa ni Laudiangco, nasa command center na ang operations group ng Comelec habang iniimbestigahan ang isyu.

Hinala pa ng Comelec, posibleng mali ang utos na naibigay sa mga pulis ngunit aantayin pa rin daw nila ang opisyal na ulat na ilalabas ng parehong panig ng Comelec at PNP.

"Kasi kung titignan niyo po, Kung mandaraya sila, kitang-kita nila na vini-video sila. Wala pong pagtatago doon po sa dalawang pulis. Wala pong hesitation sa kanila," dagdag pa ng tagapagsalita.

Anong balota ang pwedeng punitin sa presinto?

Ipinaliwanag naman ni Garcia na nangyayari talaga ang pagpupunit ng mga balota tuwing eleksyon: ngunit para ito sa mga naimprenta ngunit hindi nagagamit.

"After ng voting... lahat ng po ng balotang natira [na balota] ia-account sa harapan ng mga [poll] watchers. Bibilangin isa-isa at ilalagay sa minutes of voting kung ilan ang natirang balota," sabi ng commissioner.

"'Yun pong lahat ng balotang 'yan ay pupunitin nang pahaba. Ang kabila ilalagay sa ballot box ang kabila ilalagay sa isang envelope na nakalagay doon 'excess ballots.'"

Sambit pa ni Garcia, importante ito lalo na sa panahon ng election protests dahil bubuksan ang mga ito para masilip kung tutugma ang bilang ng excess ballots sa aktwal na mga taong bumoto.

Hindi tinalakay nang maayos ni Garcia kung ano ang posibleng kasong kaharapin ng mga pulis nang tanungin ng media. Sa kabila nito, posible rin daw ang ikaso ang paglabag sa Section 15 ng Omnibus Election Code kung mapapatunayang fake news ito, maliban pa sa cyberlibel. Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin sila sa National Bureau of Investigation.

Hindi rin siya gaanong nagpalalim pagdating sa isyu ng criminal liability lalo na't may kandidatong nagpetisyon para ideklara ang "failure of election" sa Cotabato City.

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

COTABATO CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with