^

Bansa

Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-concede na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang kanyang pagsisilbihan matapos ang mahabang panahon na pangangailangan ng ibang tao ang kanyang iniintindi.

“I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change,” ani Lacson sa kanyang post sa Twitter.

Aminado naman si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na mayroon nang napili ang bawat Pilipino na susunod na pangulo ng bansa kasabay ang pagbati kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Tuloy lamang aniya ang buhay at babalik siya sa  buhay sibilyan o “Citizen Isko” matapos ang Hunyo 30.

Nanawagan din siya na kung may nagpaplano ng mga kaguluhan ay huwag nang makisali ang publiko dahil sa wala umano itong maidudulot na maganda sa bansa.

Tinanggap na rin ni de Guzman ang pagkatalo sa halalan.

“Tulad din ng iba, tanggap ko ‘yung pagkatalo ko sa eleksyong ito. Ako ay nananawagan at nagpapasalamat sa aking mga supporter na hindi bumitaw sa pagsuporta sa akin,” ani de Guzman sa panayam ng One News.

Sa kabila nito, tiniyak ni de Guzman na ipagpapatuloy niya ang kanyang panawagan na itaas ang minimum wage sa P750 at itigil na ang “labor-only contracting practice” at land-grabbing.

Samantala, maging si Sotto ay tanggap na hindi siya ang napili ng mga mamamayan na susunod na bise presidente na bansa.

“The people have made their choice. I accept the will of the People,” ani Sotto.

Hanggang kahapon ay nananatiling tahimik naman ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa isang media officer ni Pacquiao, nagpapahinga ang senador matapos ang mahabang kampanya at pagmo-monitor ng canvassing. Pinasalamatan din ng kampo ni Pacquiao ang mga mamamahayag na sumubaybay sa kanyang kampanya. — Danilo Garcia

PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with