^

Bansa

Comelec iginiit na 'walang botanteng na-disenfranchise' sa eleksyong 2022

Philstar.com
Comelec iginiit na 'walang botanteng na-disenfranchise' sa eleksyong 2022
Hinaharap nina clerk of the commission Genesis Gatdula (kaliwa), Comelec commissioner Marlon Casquejo (gitna) at Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco (kanan) ang reporters sa isang press briefing, ika-10 ng Mayo, 2022
Philstar.com/James Relativo

MANILA, Philippines — Kakapiranggot lang daw ang naging epekto ng mga depektibong vote counting machines (VCMs) sa halalan ayon sa Commission on Elections, dahilan para ipilit nilang "walang" na-disenfranchise na botante ngayong 2022.

Ngayong Martes lang nang sabihin ni Comelec commissioner Marlon Casquejo na tanging 915 VCMs lang ang nag-malfunction noong Lunes — kaiba sa naunang ulat na halos 1,900 dito ang nakaranas ng mga "karaniwang isyu."

"Masyadong maliit... If you try to compute, 915 VCM malfunctions, multiply it by average of 500 per registered voters, maliit lang 'yun as compared to the total number of 64 million plus registered voters," saad ni Casquejo kanina sa briefing kasama ang media.

Binanggit ito ni Casquejo kahit na ilang botante at poll watchers na ang kumwestyon sa mga naturang glitches na siyang nagpahaba sa pila sa mga presinto.

Ilang botante ang nagreklamong umabot sila ng limang oras pataas sa ilang presinto dahil sa problema sa mga makina. Mangilan-ngilan din ang natagpuang nasa loob pa rin ng mga botohan kahit lagpas na ang 7 p.m., maabutan lang na mapalitan ang naglokong VCM. 

Ilan sa mga nagreklamo ay umabot pa nga ng 10 oras sa paghihintay dulot ng mga problema, gaya na lang botanteng si Rosie Ocampo sa Nangka Elementary School sa Marikina.

"Wala pong na disenfranchise despite the isolated issues on VCMs and the SD cards… All of these lessons will be taken to heart by the commission," sambit naman ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco kanina.

Sinasabing mahigit 106,000 VCMs ang itinalaga sa mga clustered precincts sa buong bansa. Patuloy naman ni Casquejo, irerekomenda na niya ang pagkuha ng panibagong VCMs para mapalitan ang jurassic nang mga makina bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.

'Non-working holiday disenfranchisement'

Sa kabila ng posisyon ng Comelec kanina, patuloy namang iginiit ni vice presidential candidate Walden Bello na maraming napagkaitan ng karapatang makaboto kahapon.

"[M]any waited for hours in the sweltering heat for their turn to vote. An unknown number—those who couldn't afford to wait for broken VCMs to be fixed, those who couldn't afford to miss work— were completely disenfranchised," wika ni Bello sa isang pahayag kahapon.

"But more than that, I demand that the COMELEC be held accountable for their incompetence. And, finally, I reiterate my call for elections in the future to be declared regular holidays rather than just special non-working days."

Una nang binanatan ng Partido Lakas ng Masa VP candidate na paglabag sa Labor Code ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng eleksyon bilang special non-working holiday.

Sa ilalim ng Article 94 (c) Labor Code o Presidential Decree 442, series of 1974, sinasabi kasing dapat na "paid holiday" o regular holiday ang araw ng halalan.

Aniya, tinaggalan daw kasi ni Duterte ng karapatan ang publiko na makaboto nang hindi nawawalan ng sahod, dahilan para paghinayangan pa raw ng isang manggagawang bumoto noong ika-9 ng Mayo.

Dahil special non-working holiday kahapon, "no work, no pay," ang mga obrero at empleyadong piniling bumoto kahapon. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

WALDEN BELLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with