^

Bansa

'Walang papasok': UP, ADMU, DLSU students iboboykot klase vs Marcos presidency

James Relativo - Philstar.com
'Walang papasok': UP, ADMU, DLSU students iboboykot klase vs Marcos presidency
People display placards during a rally in front of the commission on elections in Manila on May 10, 2022, to protest against the results of the May 9 presidential election. The son of late Philippine dictator Ferdinand Marcos cemented a landslide presidential election victory on May 10, as Filipinos bet on a familiar dynasty to ease rampant poverty -- dismissing warnings the tarnished clan will deepen corruption and weaken democracy.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Malawakang boykoteo at "walk out" sa mga klase ang panawagan ngayon iba't ibang konseho't rehente ng mga mag-aaral sa mga pinakamalalaking unibersidad sa Pilipinas para harangan ang posibleng pagdedeklara kay Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang bagong pangulo.

Nangyayari ito ngayon habang nangunguna si Bongbong sa partial at unofficial tally ng 2022 elections, bagay na humarap sa pagpalya ng vote counting machines at kwestyon sa kredibilidad.

"Tapat tayong lumahok sa eleksyon. Ngunit, pandaraya at paglabag sa batas ang sagot ng administrasyon. Hindi tayo papayag na pamunuan tayo ng mga magnanakaw at mamamatay-tao," wika nitong Lunes ng UP Office of the Student Regent, ang pinakamataas na representasyon ng mga estudyante sa board of regents ng Unibersidad ng Pilipinas.

"COMELEC ACCOUNTABILITY, NO CLASSES UNDER A MARCOS PRESIDENCY. UP STUDENTS, WALK OUT!"

Sumama ang mga estudyante ng UP sa kaliwa't kanang protestang ikinasa sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros Maynila.

Hindi lang ang mga "Iskolar ng Bayan" ang nananawagan sa ngayon ng mga naturang boykoteo at walkout, kundi pati na rin ang mga lider kabataan mula sa pinakamalalaking pribadong unibersidad sa bansa.

Ilan na nga rito ang student council ng Ateneo de Manila University, De La Salle University of Manila, Far Eastern Univerity, Polytecnic University of the Philippines, atbp.

 

 

 

 

 

"Sa panahon na lantaran ang kabi-kabilang anomalya sa halalan, hindi natin hahayaan na maluklok ang isang anak ng diktador at siyang sinungaling at magnanakaw," wika ng FEU Central Student Organization ngayong Martes.

Si Bongbong ay anak ng napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na nagkamal ng limpak-limpak na nakaw na yaman at lumabag sa karapatang pantao nang marami noong panahon ng Martial Law.

Ang pamilya Marcos ay patuloy pa ring hinahabol ng Bureau of Internal Revenue dahil sa hindi pa rin pagbabayad ng estate tax, na siyang sinasabing aabot na sa P203.8 bilyon.

Comelec nirerespeto mga protesta vs Marcos

Iginagalang naman sa ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang karapatan ng publiko na magpahayag laban sa nakikita nilang "dayaan" o "anomalya" sa nagtapos na eleksyong 2022. Sa kanila nito, magandang tukuyin pa rin daw ng mga nag-aakusa ang kanilang mga batayan.

"Ginagalang po namin ang karapatan ng ating mga kababayan na magpahayag ang kanilang sanloobin. Ang hiling lang po natin, sa lahat man po ng ginagawa ng Comelec ay meron pong batas, meron pong rules," ani Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco sa media kanina.

"Kung sila po ay may basehan o kung meron po silang gustong idulog, meron po tayong rules of procedure na maari nilang puntahan, isagawa, para proper ang ventilation ang ganitong mga proseso."

Giit pa ng poll body, handa na sila mula pa noong manual elections hanggang sa tuluyang maging automated ang eleksyon noong taong 2010.

Reding-ready rin daw sila kung dumating ang oras na ipa-subpoena sila ng Korte Suprema o ng Presidential, Senate at House of Representative  Electoral Tribunal. — may mga ulat mula kay Angelica Yang

2022 NATIONAL ELECTIONS

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

POLYTECNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with