^

Bansa

Tambalang ‘MarSo’ umarangkada sa Cavite

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilusob ng tambalang Marcos-Sotto o MarSo tandem ang tinaguriang ‘vote rich’ na lalawigan ng Cavite kahapon.

Sa huling ratsada sa Cavite ng transport group na nagsusulong sa tandem ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si Bongbong Marcos at ng Nationalist People’s Coalition vice presidential bet Tito Sotto, ito ang naging pinakamatagal, pinakamahaba at lubhang dinagsa ng mamamayan na motorcade. Dahil kailangan nitong tumahak sa Aguinaldo Highway at bawal sa tricycle, nagpasya ang pangunahing convenor ng MarSo na Philippine Transport Monitor (PhilTraM) sa motorcade na kanselahin ang kanilang paglahok ngunit agad itong napalitan ng mahigit sa 30 riders na lalong nagbigay kulay sa caravan.

Kasunod ng maikling panayam ng local media, su­milbato na si PhilTraM national chairman Aoi Bautista bilang hudyat ng pag-arangkada ng caravan na nagsimula eksaktong 8:30 ng umaga at bumaybay sa mga lungsod ng Bacoor at Imus hanggang sa Dasmariñas City. Sa kabuuan, natapos ang motorcade sa loob ng halos isang oras.

“Last hurrah na ng aming kampanya sa Ca­vite. Natutuwa naman ang grupo namin lalo’t talagang tanggap ng masa at mga botanteng Pinoy ang tambalang Marcos-Sotto na personal naming napatunayan sa aming pakikipag-usap sa mga mamayan sa aming paglilibot sa ilang mga lalawigan at lungsod sa bansa,” dagdag pa ni Bautista.

Inaasahang ibibigay ng mga Kabitenyo ang tinatayang 800,000+ boto na ipinangako ni Governor Junvic Remulla kay Marcos. Bilang running mate ni Cavite stalwart Sen. Ping Lacson, tinatamasa rin ang kandidatura ni Sotto ang maalab na suporta sa probinsiya kung saan target na palakasin pa ng PhilTraM sa pamamagitan ng kanilang maistratehikong kaparaanan.

MARSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with