Utang ng gobyerno lumundag sa P12.68 trilyon nitong Marso
MANILA, Philippines — Nairehistro ang kabuuang utang ng gobyerno sa P12.68 trilyon sa pagtatapos ng Marso 2022, ayon sa Bureau of Treasury, Huwebes, problemang haharapin ng susunod na administrasyon lalo na't eleksyon na sa Lunes.
Malaki-laki itong pagtalon ito mula sa P12.98 trilyon mula sa nakaraang buwan, na siyang naapektuhan noon ng paghina ng piso.
"For the month [of March], P586.29 billion, or 4.8% of the total debt portfolio was added primarily due to the net issuance of government securities to both local and external lenders," paliwanag ng Kawanihan ng Ingatang-Yaman, Huwebes.
Narito ang pinagkunan ng utang ng bansa:
- panlabas na utang (P3.81 trilyon o 30.1%)
- panloob na utang (P8.87 trilyon o 69.9%)
Kaugnay nito, mahigit P590 bilyon na ang panibagong utang na-incur ng bansa simula nang pumasok ang taong 2022.
Tumaas ng P130.84 bilyon ang external debt ng Pilipinas o 3.6% na mas malaki kumpara noong nakaraang buwan. Pagdating naman sa domestic debt, lumobo ito ng P455.45 bilyon na siyasng 5.4% mas mataas noong Pebrero.
"Total [National Government's] guaranteed obligations decreased by P5.16 billion or 1.2% month-over-month to P411.04 billion as of end-March 2022," patuloy pa ng BTr.
"The lower level of guaranteed debt was due to the net repayment of both domestic and exernal guarantees amounting to P0.76 billion and P1.55 billion, respectively."
Record-high uli ang utang na ito sa kasaysayan ng Pilipinas, habang dahan-dahan pa lang nagnonormalisa ang bansa mula sa pinsalang dinulot ng COVID-19 sa ekonomiya, kabuhayan at kalusugan.
Iniulat ng Treasury ang estado ng outstanding debt ng bansa ngayong binasag ng P4.9% na inflation rate noong Abril ang 2-4% target ng gobyerno, bagay na banta sa economic recovery ng Pilipinas. Ito na ang pinakamataas sa halos dalawang taon. — James Relativo at may mga ulat mula kay Ramon Royandoyan
- Latest