^

Bansa

'Vibrant kaya media natin': Malacañang minaliit pagbaba ng Pilipinas sa World Press Freedom Index

Philstar.com
'Vibrant kaya media natin': Malacañang minaliit pagbaba ng Pilipinas sa World Press Freedom Index
Supporters and employees of ABS-CBN, the country's largest broadcast network, hold placards as they join a protest in front of the ABS-CBN building in Manila on February 21, 2020. Philippines' government lawyers moved on February 10 to strip the nation's biggest media group of its operating franchise in what campaigners branded a fresh attack on press freedom under President Rodrigo Duterte.
AFP/Basilio Sepe, File

MANILA, Philippines — Hindi nababahala ang Palasyo sa pagbulusok ng "ranggo" ng Pilipinas kumpara sa buong mundo pagdating sa kalayaan ng pamamahayag at sa halip ipinagmalaking malayo ito kumpara sa mga bansang pinakamalala ang sitwasyon.

Mula sa ika-138 noong nakaraang taon, dumulas kasi pababa ang pwesto ng Pilipinas sa ika-174 kung titignan ang 2022 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders — bagay na nagtatasa sa estado ng peryodismo sa 180 bansa at teritoryo sa mundo.

"Although the Philippines ranked 147th in this year's index, Reporter's Without Borders or [RSF] has acknowledged that the Philippine media are 'extremely vibrant,'" wika ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, Miyerkules, sa isang press briefing.

"In addition, it should be pointed out that it should that the Philippines is not included in its category of countries in its so-called 'red-list' which RSF says indicates very bad press freedom situations."

Sinasabi ito ni Andanar, na dating mamamahayag, kahit na iginigiit ng RSF na naglulunsad ang gobyerno ng "targeted attacks" at "constant harassment" laban sa media simula 2016 lalo na kung kritikal ang pagbabalita.

Inilabas ng RSF ang naturang listahan nitong Martes, ika-3 ng Mayo, kasabay ng World Press Freedom Day.

"The Philippines is also not included in RSF's world 10 worst countries for press freedom," patuloy pa ni Andanar.

Kasama sa 10 bansang itinuturing ng listahan bilang pinakamasahol pagdating sa kalayaan sa pamamahayag ang: 

  • Palestine (170)
     
  • Syria (171)
     
  • Iraq (172)
     
  • Cuba (173)
     
  • Vietnam (174)
     
  • China (175)
     
  • Myanmar (176)
     
  • Turkmenistan (177)
     
  • Iran (178)
     
  • Eritrea (179)
     
  • North Korea (180)

Sa kabila ng mga atake sa midya na nangyari sa nakaraang mga taon, matatandaang itinayo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) noong ika-11 ng Oktubre, 2016.

Patayan, red-tagging, libelo

Kahapon lang nang idiin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na aabot na sa 23 mamamahayag ang napatay sa ilalim ng administrasyon ni Digong noong 2016.

Bukod pa 'yan sa 56 insidente ng pagsasampa ng libelo/cyberlibel sa mga peryodista, 32 kaso ng red-tagging at 20 distributed denial of service (DDoS) attacks na nangyari.

Dagdag pa ng grupo, malaki rin ang naging epekto ng pagkakapasa ng Anti-Terrorism Act sa mga peryodista, bagay na sumasagasa rin daw sa mga rights defenders, mga abogado, miyembro ng ademya at civil society.

"As much as it has been true in the past sex years, we recognize that the best way forward in difficult times is together and that out best source of support is each other and the people we report for," sabi ng NUJP sa kanilang World Press Freedom Day message.

Matatandaang ngayong COVID-19 pandemic lang nang tuluyang maipasara ang ABS-CBN, ang pinakamalaking television network sa Pilipinas, matapos hindi ma-renew ang kanilang prangkisa. Kilalang nakakiskisan nila si Duterte.

Taong 2021 lang nang isama ng Committee to Protect Journalists ang Pilipinas sa kanilang Global Impunity Index sa "10 worst countries for journalists."

JOURNALISM

MARTIN ANDANAR

MEDIA KILLINGS

PRESS FREEDOM

REPORTERS WITHOUT BORDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with