^

Bansa

Pagkawala ng Robredo campaign volunteer sa Quezon pinaiimbestigahan sa Kamara

Philstar.com
Pagkawala ng Robredo campaign volunteer sa Quezon pinaiimbestigahan sa Kamara
Litrato ni Robredo People's Council mula sa Candelaria, Quezon na si Dante Gatdula (kanan), na siyang nawawala hanggang sa ngayon
Mula sa Facebook page ni Keith Brian Gatdula

MANILA, Philippines — Hinihikayat ngayon ng ilang militanteng mambabatas ang Kamara na tuluyang maimbestigahan, "in aid of legislation," ang biglaang pagkawala ng isa sa mga supporter ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo sa probinsya ng Quezon.

Ika-23 pa ng Abril nang maiulat na nawawala si Dante Gatdula, na siyang kilalang chairperson ng grupong Robredo People's Council na nagkakampanya kay VP Leni sa bayan ng Candelaria. Ibinalita na noon ng asawa niyang si Betsie na pupunta lang ang mister sa pulong ng RPC bago ang campaign rally ni Robredo.

"Gatdula's wife recalled that he recently had a heated discussion with someone on the phone," wika nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate at Ferdinand Gaite sa House Resolution 2565 na ibinigay sa media, Lunes.

"While the incident is reportedly being investigated by the PNP Regional Office 4-A, Gatdula's wife feared that something worse has already happened to him."

Ang pagkawala ni Gatdula, na dating chair ng Akbayan Candelaria, ay nangyari dalawang linggo bago ang May 9 elections.

Una nang ipinaskil ng kanyang anak na si Keith Brian Gatdula ang litrato ng kanyang ama, habang nagbabakasakaling may nakakita sa kanya.

 

 

Bago pa naman mawala ang nabanggit ay nangyayari na ang ilang harassment laban sa mga kampanyador ni Robredo:

  • pananakot sa loob ng headquarters ng Robredo volunteers sa Davao City (ika-10 ng Pebrero)
  • pag-aresto sa "higit 12" volunteer ng Anakpawis party-list sa Cavite (ika-10 ng Marso)
  • bomb threats laban sa isang Robredo campaign rally sa Kalibo, Aklan (ika-3 ng Abril)

Marami pang ibang kaso ng pangigipit pa ang kinaharap ng mga tagasuporta ni Robredo, gaya na lang ng red-tagging ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Makabayan bloc na "hindi" raw dapat iboto dahil sa kaugnayan sa mga rebeldeng komunista.

Abril lang nang sabihin ni VP Leni na handa siya at kanyang volunteer lawyers na ipagtanggol ang kanilang mga tagasuporta mula sa harassment at red-tagging.

"[The] sudden disappearance of RPC volunteer Dante Gatdula as the election draws near is highly alarming in the context of numerous cases of threats and harassment against volunteers for the Robredo campaign," patuloy pa ng HR 2565.

"Congress, as representatives of our people, must defend the rights of the people and guard against violations, especially during a crucial period such as the May 9, 2022 elections. Perpetrators must be brought to account."

Ang mga resolusyong gaya nito at hindi na kinakailangang lagdaan ng presidente at walang epekto o kaparehong kapangyarihan ng isang batas. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAYAN MUNA PARTY-LIST

ENFORCED DISAPPEARANCE

HUMAN RIGHTS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with