Eleazar, kabilang pa rin sa top senatorial bets ng netizens
MANILA, Philippines — Nananatili si senatorial candidate General Guillermo Lorenzo Eleazar bilang isa sa mga napupusuang kandidato ng social media users para sa parating na halalan, ayon sa isang online survey.
Umani si Eleazar ng 15.46 porsiyento ng mga boto at nag pang-10 sa 64 senatorial candidates hanggang ngayong Linggo (Mayo 1), ayon sa non-commissioned online survey ng website na sinimulan ng Go Philippines noong Abril 29.
“Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng naniniwala sa aking kakayahan para magsilbi sa ating bansa kaya napasama ako sa Magic 12 ng mga netizens. Sana ay hanggang sa araw ng halalan, samahan niyo ako sa laban na ito dahil ang eleksyon ang pinakamahalagang survey na kailangan nating maipanalo,” ani Eleazar.
Kabilang din si Eleazar sa mga nanguna sa online survey ng Go Philippines sa first half ng Abril. Sa resulta na nilabas noong Abril 17, siya ay pang-walo matapos makakuha ng 26.44% ng mga boto.
Dating nagsilbi si Eleazar bilang PNP chief noong 2021. Nagretiro siya Nobyembre ng taong iyon matapos ang 38-taong karera sa militar at pulisya.
Kabilang sa plataporma ni Eleazar ang pagpapabuti sa peace and order at seguridad, pagtiyak sa kaligtasan at kalusugan ng mga Pilipino, pagsiguro sa trabaho’t pagkain, at pagpapalakas sa mga kakayanan ng kabataan.
- Latest