^

Bansa

'Parusahan kamanyakan': Gabriela kinastigo si Herbert Bautista sa panghahalik UniTeam rally

Philstar.com
'Parusahan kamanyakan': Gabriela kinastigo si Herbert Bautista sa panghahalik UniTeam rally
Litrato ng pasunggab na halik ni senatorial candidate at komedyanteng si Herbert "Bistek" Bautista sa isang supporter sa isang campaign rally sa Ormoc
Video grab mula sa Youtube channel ni Shedrick 24

MANILA, Philippines — Diring-diri ang Gabriela Women's Party kay UniTeam senatorial candidate Herbert Bautista matapos ang electoral gimik na gumagamit ng "sexual harassment" — ito habang ipinapangako ang parusa laban sa mga kandidatong gagawin ito sa hinaharap.

Viral kasi ngayon sa TikTok ang video kung saan humihingi si Biktek, isang komedyante, ng halik sa isang female supporter para sa isang "kissing scene" sa Ormoc Grand Rally. Kitang-kitang pasunggab ang paghalik ni Bautista.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, kapansin-pansing hindi kumportable ang babae at nape-pressure lang ng mga manunuod noong mangyari ito. 

@libiganda #HerbertBautista#kissingscene?? ? original sound - libi

"This is not about the female supporter agreeing to be kissed. This is about Bautista using the female supporter for his macho power play in a vain attempt to boost the Uniteam campaign rally," ani Brosas sa isang pahayag, Biyernes.

"Cheap degrading theatrics can't make up for the lack of meaningful platforms for the people."

 

 

Dagdag pa ni Brosas, matagal na nilang sinasabing hindi dapat ginagawang kasangkapan ang kababaihan para "aliwin ang madla sa elektoral na kampanya." Aniya, nakakababa at insulto ito sa kababaihan habang ninonormalisa ang sexual harassment — kahit pakunwaring pampasaya sa publiko.

Abril lang nang batikusin din ni Brosas sina Cabuyao, Councilor Tutti Caringal at Calamba Mayor Timmy Chipeco matapos kandungan at gilingan nang malaswa ang kanilang supporters sa Laguna. Si Caringal ay kilalang bokalista ng bandang 6Cyclemind.

Itinutulak ngayon ng militanteng grupo ng kababaihan sa Kamara na magkaroon ng dagdag na guidelines na magpapataw ng sanctions sa political campaign rallies na nag-o-objectify, harass, maliitin, atbp. ang mga babae alinsunod sa Republic Act 9710 o Magna Carta of Women and the Safe Spaces Act.

"Its about time that we address this rising trend of misogynist acts in the campaign trail — through guidelines that will prohibit lewd and degrading political campaigns and sorties. We hope the Comelec will consider this in the future political exercise if not at the current period," dagdag pa ni Brosas.

"We will also file a bill seeking prohibition and sanctions on misogynist acts during campaign rallies in the next Congress."

Kamakailan lang din nang kumalat ang video ng isa pang UniTeam affiliated campaign kung saan sumasayaw ang isang babae habang nakaabang ang kamay ng isang mama sa ilalim ng dibdib.

 

 

Nagpaalam naman?

Ginawa ni Herbert ang kontrobersyal na gawi habang pakunwaring ikinakasal ni Richard Gomez, na isa ring aktor.

Habang nangyayari ang pa-joke lang na kasal, bigla na lang sinabi ni "Goma" na uunahin nila ang "kiss the bride" na eksena.

"Pwede bang ikaw ang manghahalik o ako ang manghahalik sa'yo? ... Sige, ako ang hahalik," wika ni Bautista, na dating mayor ng Quezon City.

"'Yung nagvi-video wala pong malice itong aking halik. Kasi nagsalita 'yung ibang sektor na baka po binabastos namin ang babae. Hindi po. Nagpapaalam po. Pwede ba akong humalik?"

 

 

Sumagot naman ang babae ng oo. Habang nagpapaliwanag na wala siyang binabastos na babae, bigla na lang sinunggaban ng halik ni Bistek ang supporter kahit hindi pa tapos ang pangungusap.

Si Bautista ay kilalang kumakandidato bilang parte ng senatorial slate ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

GABRIELA WOMEN'S PARTY

HERBERT BAUTISTA

SEXUAL HARASSMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with