^

Bansa

Walang nangyaring dayaan noong 2016 VP race – Macalintal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni election lawyer Romulo Macalintal na nagkaroon ng dayaan sa halalan sa pagka-bise presidente noong 2016. 

Ayon kay Macalintal, na tumayong abogado ni Vice President Leni Robredo sa protestang inihain ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., walang katotohanan at walang batayan ang akusasyon.

Iginiit ni Macalintal na natalo si Marcos sa bilangan ng balota kasunod ng halalan at sa ginawang recount ng bilang bahagi ng kanyang protesta sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sinabi pa ni Macalintal na mismong si Marcos ang pumili sa Iloilo, Camarines Sur, at Negros Oriental bilang pilot provinces kung saan nais niyang ma-recount ang mga boto.

“Nang binilang ang mga balota mula sa mga presinto na kanyang iprinotesta, walang nakitang ebidensya ng pandaraya. Nagtugma ang count ng mga balota doon sa election returns ng automated election,” ani Macalintal.

Ibinasura ng Korte Suprema, na tumatayo bilang PET, ang protesta ni Marcos laban kay Robredo noong nakaraang taon.

ROMULO MACALINTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with