^

Bansa

Militar inireklamo ng 'pagtugis sa baby' sa Negros Occidental; Army nag-deny

James Relativo - Philstar.com
Militar inireklamo ng 'pagtugis sa baby' sa Negros Occidental; Army nag-deny
Satellite image ng Himamaylan City, Negros Occidental
Google Maps

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Philippine Army ang pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa diumano'y pag-"haunt down" ng nauna sa isang sanggol at batang anak ng pinararatangang rebelde sa probinsya ng Negros Occidental simula pa ika-22 ng Abril.

Miyerkules nang kundenahin ng CPP ang 94th Infantry Battalion dahil sa diumano'y pagsalakay sa isang bahay sa Barangay Buenavista, Himamaylan City para hanapin ang two-month old na si "Inday" at two-year old na si "Toto." Iginigiit daw ng militar na anak ng New People's Army (NPA) ang dalawa.

"This article/statement of the NPA is a mere twisted propaganda, a misinformation, with the intent to mislead the public and get sympathy," ani Maj. Gen. Benedict Arevalo, kumander ng 3rd Infantry Division ng Army, sa panayam ng Philstar.com.

"These bandits will tell all the lies they can, just to lure the public to their side. This is totally FAKE NEWS, and they always do this to cover up their setbacks in Panay and Negros."

Ang 94th IB ay batalyon ng kasundaluhan na direktang nasa ilalim ng 3ID.

Sa ulat ng CPP at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sinabing binigyan ng ultimatum ang lola ng mga bata na isuko ang dalawa. Pinagbantaan daw ang lola na haharap sa "deadful consequences" kung hindi ito gawin.

Maliban sa bahay ng lola, tatlong bahay pa raw ang sapilitang pinasok habang pitong lalaki rin daw ang pinagbantaang papatayin kung hindi lilikas kasama ang kanilang mga pamilya.

Dahil sa insidente, 24 katao — kabilang ang siyam na babae at 10 bata — ang napaalis daw sa kanilang bahay at nawalan ng kabuhayan. Pinigilan din daw ng mga sundalo ang mga residenteng asikasuhin ang kanilang mga palayan na binansagang "communal farm ng NPA."

Nakatanggap din daw ng banta sa buhay ang nagmamay-ari ng nag-iisang rice mill sa lugar at inakusahang nagbibigay ng bigas sa mga rebelde.

'Hindi ligtas kahit sanggol sa pasismo'

Kinundena ni CPP chief information officer Marco Valbuena ang insidente at sinabing kaduwagan daw ang ipinamalas ng 94th IB, bagay na paglabag daw sa international humanitarian law dahil sa pag-target sa mga sibilyan.

"Babies and young kids are not being spared from the brutal counterinsurgency drive of Duterte and his fascist butchers," wika ni Valbuena.

"Unable to strike big against the New People's Army, and rushing to 'fulfill' its target of 'crushing' the revolutionary movement, particularly in the island, the 94th IB is going after unarmed civilians in communities."

Sa kabila nito, iginigiit nina Arevalo na sumusunod ang 3ID troops sa rules of engagements, human rights at international humanitarian law kahit na nagsasagawa ng combat operations sa kanayunan: "Our mandate is to protect and serve the people, not to harm them. And that what the 3ID troops are doing," wika ni Arevalo.

Nananawagan naman sina Valbuena sa mga human rights organizations, international observers at children's rights advocates na tulungan ang mga biktima at imbestigahan ang insidente.

Una nang iniulat ng NDFP-Negros Island na nasa 100 sundalo ang sumalakay sa dalawang sitio sa Barangay Carabalan (Malikoliko at Cunalom) pati na ang Tigbao sa Barangay Buenavista.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

HUMAN RIGHTS VIOLATIONS

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE'S ARMY

PHILIPPINE ARMY

REVOLUTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with