Marcoleta umatras na sa Senate race
MANILA, Philippines — Umatras sa kaniyang kandidatura sa senate race si SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta, ayon sa Commission on Elections.
Kinumpirma ito ni Comelec Commissioner George Garcia na nagsabing tinanggap ito ng Comelec en banc kahapon ng hapon.
Unang kumalat sa social media ang kopya ng petisyon ni Marcoleta sa kaniyang pag-atras.
Si Marcoleta ay tumatakbo sa ilalim ng tiket ng Uniteam nina presidentiable Bongbong Marcos Jr. at katambal na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marcoleta na nagdesisyon siyang umatras dahil sa mababang ranggo niya sa mga survey.
Sa kabila ng kanyang pag-atras, nangako si Marcoleta na mananatiling susuportahan ang UniTeam na kanya ring pinasalamatan sa pagsama sa kanya sa senatorial slate.
- Latest