Eleazar: Kaligtasan ng mga Pinoy tiyakin sa sigalot ng Israel, Palestine
MANILA, Philippines — Nanawagan si senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa pamahalaan na agad tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipinong apektado o maaring naipit na sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.
“Sa pagkakataong nasa gitna ng panganib ang buhay at kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel at Palestine, ngayon dapat mas lalong umaksyon ang pamahalaan para masiguro na ligtas ang ating mga kababayan sa anumang kapahamakan,” ani Eleazar.
Ayon kay Eleazar, dapat ay bumuo rin ang Department of Foreign Affairs ng mekanismong magagamit ng mga Pinoy sa Gitnang Silangan para ma-contact ang kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
“Para na rin ito sa peace of mind ng mga pamilya ng mga kababayn natin na nasa Israel at Palestine. Mahirap na malagay sa magulong bansa ang iyong mga minamahal sa buhay kaya malaking tulong kung masisiguro ng gobyerno na ligtas ang kanilang mga kamag-anak,” anang Partido Reporma candidate.
Muli umanong nagkabakbakan ang mga security force ng Israel at Palestine malapit sa bukana ng Al-Aqsa mosque sa Old City ng Jerusalem.
- Latest