Resolusyon hinimok ang Kamara kundenahin atake vs Ka Leody, mga katutubo
MANILA, Philippines — Nananawagan ngayon ang ilang progresibong mambabatas ang Konggresong tumindig laban sa pamamaril sa ilang katutubo at team nina presidential candidate Ka Leody de Guzman sa Quezon, Bukidnon noong ika-19 ng Abril.
Matatandaang nangyari ang pagpapaputok habang nasa pangangampanya sina De Guzman, na noo'y kasama ang ilang Manobo-Pulangiyon na tumututol sa "pangangamkam" ng kanilang lupang ninuno.
Sa House Resolution 2561 na inihain ng Bayan Muna party-list, Lunes, hinamon ang Kamarang imbestigahan at kundenahin sa pamamagitan ng Committee on Human Rights ang naturang karahasan — bagay na ikinasugat ng apat na Lumad at isang volunteer.
"[Prior] to the said shooting incident Ka Leody de Guzman's party held a consultation and dialogue with the Manobo-Pulanbgihon tribe against the land grabbing of their ancestral land by the Kiantig Development Corporation which grows pineapple for export in the area," ayon sa resolusyon.
"The Lumad community was evicted from their 900-hectre ancestral land by the company allegedly in cahoots with the incumbent Quezon Mayor Pablo Lorenzo III."
Una nang nangako ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa insidente, habang minamaliit ang posibilidad na election-related violence ito. Kinundena na rin ng Malacañang at iba't ibang grupo't personalidad ang nangyari, lalo na't katabi ni Ka Leody ang isa sa mga tinamaan ng bala.
Aminado si Lorenzong naging opisyal ng Kiantig Development Corporation na inaakusahan ngayon kaugnay ng nangyari ngunit hindi na raw siya kunektado sa naturang kumpanya.
"[This] violence and the attacks against indigenous people have been ongoing with impunity for quite some time now without resolution and proper intervention by the government. Lumad families continue to mourn for their loved ones who were killed," wika pa ng Bayan Muna solons.
"The recent shooting incident that includes the party of Ka Leody de Guzman is emblematic of how our justice system continues to fail them, an act which members of Congress should not countenance."
Inihain ng nasabing party-list, sa pangunguna nina Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, ang resolusyon kahit na si Bise Presidente Leni Robredo at hindi si De Guzman ang kanilang ineendorso sa pagkapangulo.
Sa kabila nito, palakaibigan ang kanilang kampong Makabayan bloc kina Ka Leody nitong mga nagdaang mga taon habang nakakasama sa pakikipaglaban sa magkakahalintulad na isyu.
Pebrero 2017 lang nang mapatay si Renato Anglao, isang miyembro rin ng Manobo-Pulangiyon tribue at opisyal ng Tribal Indigenouys Oppressed Group Association (TINDOGA) sa Crossing Busco, Quezon Bukidnon. Si Anglao ay kilala sa pagdepensa sa kanilang lupain mula sa land grabbing diumano raw nina Lorenzo.
Parehong taon nang sapilitan din daw mapaalis ang mga Lumad sa kanilang lupain malapit sa pangpang ng Pulangi River, dahilan para manirahan na lang sila sa gilid ng kalsada nang "walang" sapat na tulong mula sa gobyerno. — James Relativo
- Latest