GIBO: Health crisis sa bansa paghandaan
MANILA, Philippines — Health crisis sa bansa paghandaan.
Ito ang binigyang diin ni dating Defense Secretary at senatorial candidate Gilbert (GIBO) Teodoro kasabay ng pahayag na dapat pang dagdagan ng pamahalaan ang healthcare facilities sa bansa.
Ayon kay Teodoro, dapat na maging aral sa gobyerno ang pandemyang dulot ng COVID-19 kung saan lahat ay apektado kabilang na ang negosyo, kabuhayan at pamumuhay ng bawat Pilipino.
Kailangan aniyang mabilis na matugunan at maayudahan ang pangangailangan ng mga maaapektuhan ng sakit tulad ng COVID-19.
Sa kanyang pagdalo sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Teodoro na dating Tarlac congressman at 1989 Bar topnotcher, bibigyan niya ng prayoridad ang paglalaan ng mataas na pondo sa healthcare facilities.
“Now, first and foremost, it is still a health issue – that our gaps in the supply chains and bed capacities be addressed in case there is another surge,” ani Teodoro.
Gayundin ang dagdag sahod at benepisyo ng mga healthcare workers upang hindi na mangibang bansa.
- Latest