^

Bansa

'Lack of merit': Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level

James Relativo - Philstar.com
'Lack of merit': Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level
Makikitang hawak ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang watawat ng Pilipinas habang nasa isang campaign rally kaharap ng mga Cebuano, Abril 2022
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Dismissed sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong.

"As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and none of the disqualifications under the 1987 Constitution and relevant laws. As such, the dismissal of this Petition is in order," wika ng resolusyon.

"WHEREFORE, premises considered, the instant Petition is hereby DENIED for LACK OF MERIT."

Kasama sa mga lumagda sa naturang ruling ay sina Presiding Commissioner Socorro Inting, Commissioner Aimee Ferolino at Commissioner Aimee Torrefranca-Neri.

Ilan sa mga ipinupunto ng grupong Pudno Nga Ilokano sa petisyon ang tax case conviction ni BBM, anak ng napatalsik na dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dahil sa kabiguan ng nauna na maghain ng kanyang income tax returns.

Ang naturang kaso ay inihain mismo ng isang grupong nagmula sa Rehiyon ng Ilocos, na kilalang balwarte ng mga Marcos.

Sa kabila nito, pending pa rin at inaapela sa Commission en banc ang isang petisyon para kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC) pati na ang isang consolidated disqualification petition.

"A decision in these cases, the consolidated cases as well as the case with motion for reconsideration will be decided before the election, but earlier, even before the end of April," ani Comelec Commissioner George Garcia noong ika-24 ng Marso.

Nananatiling nauuna sa pre-election survey ng Pulse Asia si Marcos at kanyang vice presidential candidate sa ilalim ng UniTeam na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Si Duterte-Carpio ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at News5

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

DISQUALIFICATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with