^

Bansa

'Election-related' violence vs De Guzman imbestigahan dapat ng Comelec — grupo

James Relativo - Philstar.com
'Election-related' violence vs De Guzman imbestigahan dapat ng Comelec — grupo
Makikita sa litratong ito si presidential candidate Leody de Guzman (ikalawa sa dulong kanan). Nakatayo sa kanyang kaliwa si Ka Nanie Abela, na kasama sa mga nabaril sa Brgy. Butong, Quezon, Bukidnon province, ika-19 ng Abril, 2022
Released/Laban ng Masa at VP candidate Walden Bello

MANILA, Philippines — Kinundena ng sari-saring sektor ang nangyaring pagpapaputok ng baril sa kampo nina presidential candidate Ka Leody de Guzman, ilang katutubong, Manobo-Pulangiyon atbp. sa probinsya ng Bukidnon, bagay na kaso raw ng "election-related violence" bago ang Mayo.

Martes nang ma-livestream sa Facebook page ni Partido Lakas ng Masa (PLM) senatorial bet David D'Angelo ang insidente, bagay na nangyari habang mapayapang ipinoprotesta ng mga katutubo ang karapatan nila sa "lupang ninuno" sa Brgy. Butong, bayan ng Quezon.

"Kontra Daya denounces an apparent case of election-related violence this afternoon at Barangay Butong, Quezon in Bukidnon. This is unacceptable," ani Kontra Daya convenor Danilo Arao kanina.

"COMELEC should investigate based on initial information shared on Leody de Guzman's verified Facebook page."

Wala pa ring komento ang Commission on Elections (Comelec) patungkol sa isyung ito.

Ipinagbabawal sa Section 261 (e) ng Ominibus Election Code ang paggamit ng dahas laban sa mga nangangampanya sa panahon ng halalan.

Bagama't nakaligtas sina De Guzman at senatorial candidates D'Angelo at Roy Cabonegro, dalawa ang sinasabing tinamaan ng bala.

"Ang tinamaan ay ang nasa tabi ko, si Nanie Abela, na organizer ng mga magsasaka sa Mindanao. Casualty rin ang isang lider ng tribong Manobo-Pulangiyon," wika ni De Guzman sa isang tweet ngayong hapon.

Kanina lang nang sabihin ni vice presidential candidate Walden Bello, running mate ni De Guzman, na nangyari ang insidente ilang oras matapos nilang makipag-usap sa mga katutubo patungkol sa diumano'y "land grabbing" ni Quezon municipal Mayor Pablo Lorenzo III.

Kinukuha pa ng Philstar.com ang tugon dito ni Lorenzo ngunit ngunit hindi pa rin sumasagot sa panayam hanggang sa ngayon.

Malawak na pagkundena

Umani naman ng simpatya at suporta sina De Guzman sa iba't ibang grupong pulitikal ngayong araw, kahit na yaong mga sumuporta sa ibang presidential candidates para sa 2022 national elections.

"I condemn the attack against Ka Leody de Guzman, his companions and members of the Manobo-Pulangiyon tribe in Bukidnon today," ani senatorial candidate Neri Colmenares, na kilalang ineendorso ang katunggali ni De Guzman na si Bise Presidente Leni Robredo. Sinundan din ito ng iba pang mga miyembro ng Makabayan bloc.

"This threat against Ka Leody and his team and the tribe leaders is not just an assault on our electoral system but also on the rights of the tribe to assert their jurisdiction over their ancestral land."

Wika ni Colmenares, makikita sa video na mapayapa at walang balak na masama sina Ka Leody, kanyang team at mga katutubo ngunit pinaputukan pa rin.

Dagdag pa nila, sinyales lang daw ito na parte ito ng "culture of impunity" na nalikha diumano ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaraang anim na taon. Kailangan daw na respetuhin ang karapatan ng IPs kung seryoso ang lahat na makamit ang katahimikan sa Mindanao.

Nagrehistro rin ng kanyang disgusto si PLM senatorial candidate Luke Espiritu sa nangyari, hindi lang kina De Guzman at mga katutubo ngunit pati na rin sa kanyang slate mates.

 

 

Malacañang kinundena ang nangyari

Bagama't kilalang kritiko ni Duterte sina Ka Leody, nagpaabot ang Palasyo ng kanilang pagtutol sa nangyari sa Bukidnon na siyang wala raw lugar sa bansa.

"Violence has no place in any civilized society and we condemn the incident in Bukidnon where gunshots were allegedly fired against the camp of Ka Leody de Guzman," wika ni acting presidential spokesperson Martin Andanar kanina.

"We urge the local authorities to conduct a thorough investigation and prosecute those behind this dastardly act."

Kanina lang nang sabihin nina Cabonegro, D'Angelo at De Guzman na hindi man lang nag-warning shot paitaas ang mga nagpaputok ng baril.

Bukod pa rito, wala aniyang ginawa ang kasundaluhan kahit nagpuputukan na. Kanina lang nang sabihin sa Philstar.com ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Ramon Zagala na ipasisilip niya ang insidente.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAYAN MUNA

ELECTION VIOLENCE

INDIGENOUS PEOPLE

KABATAAN PARTY-LIST

KONTRA DAYA

LEODY DE GUZMAN

MANOBO

NERI COLMENARES

WALDEN BELLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with