‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa
MANILA, Philippines — Ang “house-to-house/person-to-person” na pangangampanya ng mga taga-suporta ng tambalang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.
Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad.
“Ano pa ang mas inspiring na larawan kaysa sa mga tao na may iba’t ibang social background pero sabay-sabay nagbabahay-bahay at ‘di alintana ang init at ulan para ikampanya lamang si VP Leni?” ani ni Trillanes, na tumatakbo sa pagka-senador.
Ayon kay Trillanes ang “class divisions” ay natunaw sa lakas ng mensahe ni Robredo ng “love and unity.”
Sinabi niya na ito ay patunay ng abilidad ni Robredo na ilabas ang pinakamabuti at pinakamagaling sa mga Filipino.
Anya, ang mga taga-kampanya ni Robredo sa ibaba ay may kanais-nais na “aura” at may masayang disposisyon.
Aniya, isang patunay sa inspirasyon na bigay ni Robredo ang mga artista at singer na gumagawa ng mga libreng konsyerto. Ito ay hamon, ayon kay Trillanes, para sa mabubuting “influencers” na lumabas sa kanilang “comfort zones.”
“Hindi nga pumupunta sa grocery, pero para kay VP Leni, tinatagos mga palengke,” dagdag niya.
- Latest