^

Bansa

'Ako aatras? Lalaban tayo': Robredo bumanat vs 4 na karibal sa halalan

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Hindi bibitaw sa pangangampanya para sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo matapos pagkaisahan ng kampo ng mga katunggaling sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Norberto Gonzales sa isang joint press briefing.

Linggo nang manawagan sina Domagoso na dapat nang umatras sa presidential race si Robredo habang itinutulak ni Gonzales ang "bagong top two" na karapat-dapat daw humamon sa survey frontrunner na si Ferdinand "Bongbong" Marcos.

"Mula bukas, 20 campaign days nalang natitira. Kailangan wag tayong magpatalo sa emosyon. Huwag nang magbitaw ng masasakit na salita," wika ni Robredo sa isang paskil sa Facebook, Linggo ng gabi.

"Focus lang muna tayo sa kampanya — tao sa tao, puso sa puso. May bayan tayong kailangan ipaglaban."

 

 

Una nang sinabi ng kampo nina Lacson, Moreno at Gonzales na "maraming beses" na silang nilapitan ng mga galing sa "kampo ni VP Leni" na umatras sa kanya-kanyang kandidatura para suportahan ang bise. 

Sa kabila nito, itinanggi na ito nina Robredo noong nakaraang linggo pa.

"Alam kong maraming nasabi na ngayong araw. Ang iba nainis, ang iba walang pakialam, at ang iba nagalit. Nagpapasalamat ako sa lahat na dumipensa," dagdag pa ni Robredo, na kasalukuyang umaangat bilang nasa ikalawang posisyon sa huling pre-election survey ng Pulse Asia.

Ikinasa nina Domagoso, Lacson, Pacquiao at Gonzales ang sabayang press conference matapos kumalas sa kanila ang ilang grupong dati nilang supporters patungo sa kampo ni Robredo.

Marso lang nang magbitiw si Lacson mula sa dati niyang partidong Partido Reporma matapos ilipat ng grupo ang kanilang pag-endorso kay Robredo. Ngayong buwan naman nang ibato naman ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas — na dating nasa likod ni Domagoso — kay Robredo ang kanilang suporta kung kaya't ngayo'y tinatawag nang IM Leni.

"They’re trying to strip us of our supporters, ‘yung mga support groups. Ang nangyari sakin ‘yung Reporma na-hijack and yung kay Mayor Isko, ‘yung Ikaw Muna sa Cebu, ganoon din. Marami talagang attempts and parang nili-limit talaga ‘yung choices sa dalawa," wika ni Lacson kahapon.

Inilinaw nina Domagoso, Lacson, Gonzales at Pacquiao (na hindi nakaabot sa press conference) na magpapatuloy sila sa pagtakbo sa pagkapangulo at hindi rin aatras sa presidential race para paboran ang kandidatura ni Robredo.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

ISKO MORENO

LENI ROBREDO

MANNY PACQUIAO

NORBERTO GONZALES

PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with