Balota sa local absentee voting, idineploy na
MANILA, Philippines — Nag-umpisa nang i-deploy ng Commission on Elections (Comelec) ang mga balota na gagamitin naman para sa ‘local absentee voting (LAV)’ sa mga nakatalagang polling precincts.
“The Committee on Local Absentee Voting (CLAV) has commenced the deployment of local absentee ballots and other election paraphernalia to the government agencies, [Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police], media entities and corporations,” ayon sa Comelec sa isang tweet.
Kabilang sa mga pinapayagan na makilahok sa LAV ay ang mga mamamahayag, mga tauhan ng pamahalaan, at mga unipormadong tauhan ng gobyerno na naka-duty sa araw ng halalan.
Isasagawa ang LAV para sa 2022 election sa mga araw ng Abril 27, 28 at 29.
Unang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa 60,000 balota ang inimprenta para sa mga botante na nakapag-aplay para sa LAV.
- Latest