^

Bansa

Basyang at Agaton, nagpang-abot

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpang-abot ang bagyong Basyang (may international name na Malakas) at Agaton makaraang pumasok na rin sa Philippine Area of ­Responsibility (PAR) ang una.

Sa 5pm bulletin update ng PAGASA kahapon, namataan ang sentro ni Basyang sa layong 1,400 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 km per hour at bugso na 160 kph.

Pero ayon sa ­PAGASA, nakalabas na ng PAR ang naturang bagyo bandang 1:00 ng hapon kahapon at inaasahan na patuloy itong kikilos pa-Hilaga Hilagang-Silangan.

Samantala si Agaton ay namataan sa bisinidad ng Marabut, Samar taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na 75 kph.

Sa huling tala, umabot na sa P265.3 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil kay Agaton, o 2,132 magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

AGATON

BAGYO

BASYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with