'2 bagyo sa PAR': Typhoon Basyang nasa Philippine Area of Responsibility na
MANILA, Philippines (Updated 12:28 p.m.) — Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Malakas (interational name) dahilan para tawagin na itong "Basyang." Ito na ang ikalawang bagyong nasa loob ng naturang erya ngayon kasabay ng Tropical Depression Agaton.
Namataan ang mata ng typhoon 1,435 kilometro silangan ng Southern Luzon, ayon sa huling taya ng state weather bureau.
"At 10:00 AM today, Typhoon MALAKAS has entered the Philippine Area of Responsibility and was named #BasyangPH," ayon sa PAGASA, Martes ng umaga.
- Lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 150 kilometro kada oras
- Pagkilos: hilaga hilagangkanluran
- Bilis: 20 kilometro kada oras
Sa kabila nito, inilinaw ng PAGASA na mababa ang tiyansang makaapekto nang direkta ang bagyo sa weather condition ng Pilipinas sa buong forecast period. Nakikitang magdudulot naman ng "moderate to rough seas" ang swells na resulta ng bagyo sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.
"These conditions may be risky for those using small seacrafts. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions," dagdag pa ng PAGASA.
Aalis din ng PAR agad-agad
"The typhoon is forecast to move northward in the next 6 hours before turning generally north northeastward for the remaining of the forecast period," dagdag pa ng gobyerno kanina.
"The duration of 'BASYANG' within the PAR region will be brief and may exit the region tonight."
Bandang 8 a.m. nang ganap na maging typhoon si "Basyang" at nakikitang lalakas pa at maaabot ang peak intensity na 150 kilometro kada oras bukas ng umaga.
- Latest