^

Bansa

11 lugar Signal no. 1 dahil kay 'Agaton'; Severe Tropical Storm 'Malakas' posibleng typhoon na mamaya

James Relativo - Philstar.com
11 lugar Signal no. 1 dahil kay 'Agaton'; Severe Tropical Storm 'Malakas' posibleng typhoon na mamaya
Satellite image ng bagyong "Agaton" at "Malakas" mula sa kalawakan
RAMMB

MANILA, Philippines — Bumalik sa pagiging tropical depression ang bagyong "Agaton" habang nasa kalugaran ng San Pablo Bay, ito habang posibleng pumasok ang Severe Tropical Storm "Malakas" (international name) sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi sa silangan ng Visayas.

Bandang 7 a.m. nang mamataan ang Tropical Depression Agataon sa Tanauan, Leyte, ayon sa pinakahulingh forecast na inilabas ng PAGASA ngayong Lunes.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 75 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Direksyon: hilaga hilagangkanluran
  • Bilis: mabagal

"Today through tomorrow afternoon, 'AGATON' is forecast to slowly loop in the vicinity of northeastern portion of Leyte and the southern portions of Samar and Eastern Samar before emerging over the Philippine Sea by tomorrow evening as another tropical cyclone with international name 'MALAKAS' begins to interact with it," ayon sa state weather bureau kanina. 

"'AGATON is forecast to weaken into a tropical depression due to the frictional effects of land on its circulation. Any significant intensification will likely be inhibited by the binary interaction of 'AGATON' and 'MALAKAS.'"

Itinaas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa ilang lugar, dahilan para umiral malalakas na hangin sa susunod na 36 oras sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 1

  • katimuhang bahagi ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Northern Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kasama ang Camotes Island
  • silangang bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini)
  • Surigao del Norte
  • Dinagat Islands

Katamtaman hanggang malalakas na may minsanang matitinding pag-ulan ang mararanasan sa Eastern Visayas, Masbate, Sorsogon, Catanduanes at hilaga at gitnang bahagi ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands ngayong araw.

Mahihina hanggang katamtaman hanggang minsanang malalakas na pag-ulan naman ang matitikman ng Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Quezon at nalalabing bahagi ng rehiyon ng Bikol at Visayas.

Lubusang hihina pa raw ang bagyong Agaon pagdating ng Miyerkules, kung saan magsasanib pwersa na ito sa circulation ng "Malakas."

'Malakas' magiging 'Basha,' magiging typhoon mamaya

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang isa pang malakas na bagyo, na maaaring pumasok ng PAR ngayong araw.

Namataan ito sa layong 1,235 silangan ng Visayas at may taglay na hanging 95 kilometro kada oras at may bugsong 11 kilometro kada oras.

"Inaasahan nga po natin na kikilos ito generally northwestward, at maaaring pumasok ng Philippine Area of Responsibility, mamayang gabi po 'yan or bukas ng umaga," ani DOST-PAGASA weather specialist Grace Castañeda, kaninang umaga.

"Si bagyong 'Malakas' ay inaasahan natin na maaari pa pong mag-intensify at maging isang ganap na typhoon [mamayang gabi], ngunit hindi po natin nakikita ito sa kasalukuyan na... magkakaroon ng direct effect sa anumang bahagi ng ating bansa."

Maaaring maabpt nito ang peak intensity na 155 kilometro kada oras sa Martes o Miyerkules. Oras na pumasok ito ng PAR at tatawagin na itong "Basha."

AGATON

BASHA

MALAKAS

PAGASA

PAGASA WEATHER UPDATES

SEVERE TROPICAL STORM

TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with