Lahing Magiting
MANILA, Philippines — Hindi dapat malito ang marami sa Araw ng Kagitingan na inaakala ng iba, na ito rin ang National Heroes’ Day na ipinagdiriwang naman tuwing huling Lunes sa buwan ng Agosto na pinaparangalan ang grupo ng Iyak ng Pugad Lawin mula noong 1896 na bilang pag-aalsa ng Pilipinas laban sa pagsakop ng mga Espanyol sa bansa.
Sa halip, ang pagdiriwang ng ‘Araw ng Kagitingan’ ay pagbibigay pugay mula sa mga Pilipinong beteranong sundalo na lumaban at namatay sa giyera taong 1942, noong World War II.
Nagsanib-puwersa ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo nung kasagsagan ng giyera mula buwan ng Enero hanggang Abril nang taong 1942.
Nasakop ang Pilipinas mula sa grupo ng mga Hapones na bumagsak nga ang Bataan kung saan naroon ang kuta ng Corregidor.
Bago magbukang-liwayway noong Abril 9, 1942, napilitan si Major General King na isuko ang kanyang mga kawal mula sa Estados Unidos kabilang ang ilang sundalong Pilipino sa kampo ng mga kamay ng Hapon.
Ang isa sa highlight na habang pinaglakad ng mga Hapon ang mga bihag na sundalong Pilipino at Kano na binansagan noon na ‘Bataan Death March’ o ‘Lakad ng Kamatayan’ sapagkat halos 20,000 na mga sundalo ang mga nasawi mula sa pagod, gutom, o sa mga kamay ng Hapon mula sa kanilang paglalakad.
Dito nakitaan nang pagkakataon at kahinaan ang mga Hapon upang lusubin ang kanilang kuta. At sa pahina ng ating kasaysayan ay nagtagumpay nga ang sanib-puwersa ng mga Kano at Pilipino upang magtapos ang ikalawang digmaan.
Mula noon ay idineklarang national regular holiday ang April 9 na taun-taon ay ginugunita sa bansa, bilang pagpapahalaga sa mga nakilahok na matatapang nating Beteranong sundalo.
Tinawag itong ‘Araw ng Kagitingan,’ sapagkat nagpamalas ng masidhing katapangan ang ating mga beteranong sundalo sa paglusob sa kampo ng mga Hapon sa pangunguna ng mga Amerikano.
Kaya nga idineklarang ‘Araw ng Kagitingan’ ang Abril 9, 1942 dahil sa matagumpay na pakikibaka laban sa mga Hapones, na nagbuwisbuhay sa pagdanak ng dugo mula sa ating magigiting na Beteranong sundalo.
- Latest