Duterte wala pa ring ikakampanyang presidential bet
MANILA, Philippines — Wala pa ring balak si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-endorso ng sinumang kandidato sa pagka-presidente sa eleksiyon ?sa Mayo 9, 2022.
Sa joint meeting ng National Task Force (NTF) at Regional Task Force (RTF) to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa Lapu-Lapu City, iginiit ng Pangulo na mananatili siyang neutral at walang balak na ikampanya ang sinumang presidential candidate.
Ito’y kahit nakipag-meeting siya kamakailan kay presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. kung saan matapos ang miting ay inendorso ng ruling party na PDP-Laban ang kandidatura ni Marcos.
Sabi naman ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, may basbas ni Pangulong Duterte ang pag-iindorso ng PDP-Laban Cusi faction kay BBM.
Ayon kay Dela Rosa, hindi iindorso ng PDP-Laban si Marcos kung hindi ito binasbasan ni Pangulong Duterte.
Aniya, ang lahat ng kanilang hakbang ay may go signal ng punong ehekutibo.
“Yes personally coming from him, wala pa siyang sinasabi pero our political party personally endorsed BBM- Sara already,” pahayag ni Bato.
“Well yung pagsabi naman ni Pangulo, correct me if I’m wrong, formality na lang yun kasi nga being the Chairman of the PDP Laban Cusi wing hindi naman basta basta iindorse (BBM) kung walang blessings coming from the Chairman,” ayon kay Bato.
- Latest