^

Bansa

NTF adviser suportado 'expiry date' sa vaxx cards para maparami magpa-booster

Philstar.com
NTF adviser suportado 'expiry date' sa vaxx cards para maparami magpa-booster
A health worker prepares a dose of the BioNtech Pfizer COVID-19 vaccine during a vaccination for seafarers at a stadium in Manila on July 15, 2021.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Sang-ayon ang medical adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na si Dr. Ted Herbosa na lagyan ng taning ang bisa ng vaccination cards at palitan ito ng booster cards — aniya, "mae-engganyo" raw kasi nito ang mas marami na magpa-booster shots laban sa COVID-19.

Huwebes lang imungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagbibigay ng expiry dates sa mga vaccination cards. Sa mga bansa raw kasi gaya ng Singapore, 270 araw lang ang "fully vaccinated status" ng isang tao matapos ang huling dose ng primary vaccination series.

Mae-extend lang daw ito sa kanila oras na mabigyan ng booster shot ang tao.

"Gusto ko ‘yung recommendation niya [Concepcion] na... lagyan daw natin ng deadline na maibigay ‘yung booster para magkaron tayo ng parang panahon na itse-check na pati ‘yung booster shot mo kung updated," sabi ni Herbosa sa Laging Handa brieding, Miyerkules.

"Actually, maganda ‘yun para ma-encourage at ma-incentivize ang mamamayan na magpa-booster na."

Kasalukuyang ginagamit ang vaccine cards para makapasok sa iba't ibang klaseng establisyamento ipang matiyak na bakunado na ang isang customer upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ani Herbosa, bagama't maganda ang vaccination record ng Pilipinas, nasa 11.8 milyon pa lang kasi ang nakakukuha ng booster shots. Sa kabila nito, nasa 33 million pa raw ang kinakailangang makakuha ng boosters.

Dagdag pa niya, dapat magtuloy-tuloy ang pagbabakuna lalo na't nasa 74% na raw ang naaabot sa target na dapat makakuha ng gamot kontra sa nakamamatay na COVID-19.

Biyernes lang nang talbahin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang proposal na baguhin ang pakahulugan ng mga fully vaccinated individuals, at tinawag pa itong "inappropriate."

Aniya, kahit ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay hindi binago ang ibig sabihin ng ng fully vaccinated, at dinagdag lang ang mga salitang "up to date."

"Ang CDC po hindi po nila niredefine ang kanilang fully vaccinated definition ‘yun pa rin 'yung primary series first and second dose. Pero naglagay po sila ng up to date, ibig sabihin if you are fully vaccinated, you need to update your immunization," ani Vergeire sa briefing ng Palasyo.

"Kaya doon po sa cards nila mayroon silang fully vaccinated na first and second dose and then nilalagay din po updated or up to date ang kanilang bakuna kapag nakareceive na sila ng booster shots."

Ibinibigay ang booster shots sa mga nakakuha na ng primary series ng COVID-19 vaccines dahil bumababa ang bisa nito habang tumatagal.

Target ng Department of Health na maibigay na ikalawang booster shot para sa mga health workers, sernios citizens at mga may comorbidites bago magtapos ang Abril. Sa kabila nito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na inaantay pa nila ang pag-amyenda sa emergency use authorization ng mga bakuna sa bansa bago ito mailarga. — James Relativo

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

TED HERBOSA

VACCINE CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with