Duterte, NCR incumbents mataas ang trust ratings
MANILA, Philippines — Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na overall approval na 63 percent at mataas na trust rating na 56 percent, sa pinakahuling RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) survey sa National Capital Region.
Ayon pa sa independent pollster na sa darating na halalan sa Mayo 2022, ang 11 nanunungkulan na alkalde sa NCR na naghahangad na muling mahalal o tumakbo para sa iba pang posisyon ay may “commanding lead”.
Ito ay sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City, Mayor Oca Malapitan ng Caloocan City, Mayor Emi Rubiano-Calixto ng Pasay City, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Mayor Mel Aguilar ng Las Piñas, Mayor Abby Binay ng Makati City, Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City, Mayor Vico Sotto ng Pasig City, Menchie Abalos ng Mandaluyong City at Mayor Ike Ponce ng Pateros.
Nakatanggap ng 68% ng boto si Belmonte laban kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, na tumanggap ng 30 porsiyento.
Si Mayor Toby, na tumatakbo para sa Kongreso, ay nakakuha ng 90% laban kay Gardy Cruz, na may 8%. Si Congressman John Rey Tiangco, tumatakbo sa pagka-alkalde, ay mayroong 87% suporta kumpara kay RC Cruz na 11%.
Nakatanggap ng 90% ng boto si Mayor Oca, na tumatakbo para sa Kongreso, laban kay Alou Nubla, na may 9%, habang si Congressman Along na tumatakbo para sa Mayor ay tumanggap ng 75% laban kay Cong. Egay Erice, na 22%.
Napanatili naman ni Muntinlupa Cong. Ruffy Biazon ang kanyang matatag na posisyon sa karera sa susunod na alkalde ng lungsod at nakakuha ng 76% kontra kay Red Marinas na may 22%.
- Latest