Free MRT-3 rides ibibigay mula ika-28 ng Marso hanggang katapusan ng Abril
MANILA, Philippines — Maghahandog ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) mula ika-28 ng Marso hanggang sa pagtatapos ng Abril.
'Yan ang ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes habang nasa seremonyas ng pagkumpleto sa MRT-3 rehabilitation project na pinondohan ng gobyerno at Japan International Cooperation Agency (JICA).
"I'd like to announce, [Transportation] Secretary Art Tugade and I, we decided that the MRT-3 rides will be free from March 28 to April 30, 2022," wika ni Digong kahapon.
"I am pleased to join you today for the timely rehabilitation completion ceremony of the MRT-3. It is proof that we are keeping our momentum in improving our national road system, which aims to deliver quality service to the Filipino people, and respond to the emergence of the new normal."
Ang Ika-28 ng Marso ay kasabay din ng kapanganakan ni Digong.
Pinasalamatan din ng pangulo ang gobyernong Hapon sa pagtulong sa naturang proyekto.
"Our train system would not have returned to its original high grade design condition without the technical competencies and professional aid of our service providers from Sumitomo Corp. and Mitsubishi Heavy Industries," dagdag ng presidente.
"With the joint efforts of these companies and the [Department of Transportation), we've increased our train speed from 25 km/ hour to 60[km]/hour, while the time interval between train arrivals has improved to 8 to 10 minutes."
Sinasabing makikinabang ang nasa 500,000 pasahero araw-araw mula sa nasabing proyekto.
Ayon kay Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, maasahan nang tumakbo nang dalawang bses na mas mabilis ang MRT-3 nang hindi nagkakaroon ng "untoward incidents."
Tumatakbo ang nasabing linya ng tren wsa kahabaan ng EDSA, mula sa North Ave. station sa Lungsod ng Quezon hanggang Taft Ave. station sa Lungsod ng Pasay.
"This achievement of a fully rehabilitated railway will bring more convenience to many Filipino commuters," ani Koshikawa. — James Relativo
- Latest