^

Bansa

'One-on-one na lang tayo': Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate

Philstar.com
'One-on-one na lang tayo': Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate
Litrato ng boksingero't 2022 presidential candidate na si Sen. Manny Pacquiao (kaliwa) at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
AFP/ Getty Images / Ethan Miller; Released/Bongbong Marcos staff, File

MANILA, Philippines — Hinamon ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon.

Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa GMA News, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, CNN Philippines at Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado.

"Baka alanganin siya , baka marami nag-aattend ng debate. Baka mahiyain siya. One-on-one na lang, para malaman ng taumbayan ang plataporma ko at plataporma niya," ayon kay Pacquiao, Lunes, na isang eight-division world champion sa larangan ng boxing.

"Okay sa akin, mag-debate kaming dalawa lang.  Tingnan natin kung ano ang plataporma niya, kung ano ang plataporma ko."

Sa ngayon, tanging ang debate ng SMNI na pinamamahalaan ni Pastor Apollo Quiboloy — na nag-endorso kay Marcos — ang dinaluhan ni Bongbong.

Una nang sinabi ng kampo ni BBM na wala silang planong dumalo sa mga debateng pagsasabungin lang ang mga kandidato, at nais lang magtungo sa mga programang magbibigay sa mga kandidato ng sapat na oras para ipaliwanag ang kanilang mga plataporma.

"Ano bang plataporma ang gusto niyang marinig?  Mag-attend siya ng debate para malaman din ng taumbayan kung ano ang plataporma niya," sabi pa ni Pacquiao, na matatandaang bumuhay sa isyu ng korapsyon ni Bongbong kaugnay ng "pork barrel" scam.

"Lumaban nga tayo dito para sa mga Pilipino.  handa tayong sagutin ang mga tanong na ibabato sa atin... kung ano ang plano natin sa taumbayan."

Bagama't karapatan daw ni Marcos na tumanggi sa debate, panahon na raw para pag-isipan ng publiko kung bakit hindi niya mailahad kung ano ang plataporma niya. Kilala ang UniTeam tandem nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa paggamit ng islogan na "pagkakaisa."

Kahapon lang nang sabihin ni Comelec commissioner George Garcia na pag-uusapan nila sa Miyerkules ang mga posibleng mas mahigpit na parusa sa mga ayaw sumipot sa debate. Sa ngayon kasi, tanging pag-ban lang sa platforms ng Comelec e-rallies ang nagagawa ng poll body.

Matatandaang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na may mga bansa gaya ng Argentina kung saan required ang pagdalo sa electoral debates. Ang mga kandidatong hindi sumusunod nito roon, tinatanggalan ng kapangyarihang magpalabas ng mga patalastas sa broadcast media.

Ngayong Martes lang nang iendorso ng PDP-Laban si Marcos para sa pagkapangulo. Si Pacquiao ay bahagi rin ng PDP-Laban sa ilalim hiwalay na paksyon kung saan siya ang presidente at si Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III ang chair. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

DEBATES

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with