^

Bansa

De Guzman itinulak 30% overtime pay sa 4-day workweek; ilang presidential bets sang-ayon

James Relativo - Philstar.com
De Guzman itinulak 30% overtime pay sa 4-day workweek; ilang presidential bets sang-ayon
Litrato nina 2022 presidential candidates Ka Leody de Guzman, Bise Presidente Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Ernesto Abella at Faisal Mangondato
Philstar.com/Deejae Dumlao

MANILA, Philippines — Ngayong nais paiksiin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang trabaho sa apat na araw dahil sa oil price hikes, itinutulak ni presidential candidate Leody de Guzman ang mandatory overtime pay sa mga manggagawa — tataas kasi sa 10 oras kada araw ang pagkayod nila kung nagkataon.

Una nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na dapat bawasan ang mula lima patungong apat na araw na lang kada linggo ang trabaho upang makatipid sa gastusin at enerhiya ang publiko, kasabay na rin ng sunud-sunod na linggong pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

"Dapat gawin 'yung four days [workweek] ay [magbibibigay ng] overtime pay. Dapat may 30% overtime pay," ani De Guzman, na dating naging manggagawa sa pabrika, sa pagpapatuloy ng unang Comelec presidential debates, Sabado.

"Hindi dapat parang one and a half-days lang 'yun."


Ang sinabi ni Ka Leody ay sang-ayon sa nakasaad sa Article 83 ng Labor Code ng Pilipinas:

The normal hours of work of any employee shall not exceed eight (8) hours a day.

Health personnel in cities and municipalities with a population of at least one million (1,000,000) or in hospitals and clinics with a bed capacity of at least one hundred (100) shall hold regular office hours for eight (8) hours a day, for five (5) days a week, exclusive of time for meals, except where the exigencies of the service require that such personnel work for six (6) days or forty-eight (48) hours, in which case, they shall be entitled to an additional compensation of at least thirty percent (30%) of their regular wage for work on the sixth day.

Ayon namnan sa Article 87 ng Labor Code, ang mga magtatrabaho ng lagpas walong oras kada araw ay dapat makakuha ng overtime pay na may dagdag na 25% sa ibabaw ng kanyang regular na sahod. Magiging 30% ang dagdag kapag holiday o rest day sa ibabaw ng normal na nakukuha ng empleyado sa unang walong oras sa araw ng holiday o rest day.

Huwebes lang nang sabihin ni De Guzman na kung maaari ay gawin na lang anim na oras kada araw ang trabaho imbis na pataasin ito sa 10 sa isang 4-day workweek. Aniya, bababa kokonti raw ang maiuuwing pera kasi ng manggagawa dahil mawawalan sila ng isang buong araw na sahod.

Una nang sinabi ni De Guzman na makapag-eempleyo ng dagdag na 11 milyong manggagawa ang Pilipinas kung babawasan ng dalawang oras ang trabaho sa isang araw.

VP Robredo, Lacson, Abella, Mangondato agree kay Leody

Sumang-ayon naman ang mga kadebate niyang presidential candidates na sina Bise Presidente Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Ernesto Abella at Faisal Mangondato sa panukala ni De Guzman, lalo na't hindi raw magandang malugi ang mga manggagawa habang pinahahaba ang oras ng trabaho sa isang araw.

"Tama si Ka Leody ano, kasi talagang hihingi ng overtime pay [ang mga manggagawa]. Kailangan pa rito, i-ammend ang Labor Code para... hindi mag-demand ng overtime pay 'yung mga manggagawa kapag lumagpas na sila sa walong oras," sambit ni Lacson, na una nang sinabing pabor siya sa 4-day workweek.

"'Yun ang ayaw ng mga employers [ang magbigay ng overtime pay kung magiging 10-12 oras ang trabaho araw-araw]."

Ganyan din ang sinabi ni Robredo, lalo na't kailangan daw siguruhing hindi magkukulang ang maiuuwing sahod ng mga manggagawa kung gagawin ang naturang panandaliang reporma.

Pabor din daw siya sa pananaw ng katunggali sa posisyon na si Sen. Manny Pacquiao na dapat pakinggan ang lahat ng stakeholders gaya ng mga manggagawa't employers na nasa industriya kung saan hindi gagana ang apat na araw na pasok.

"Hindi pwedeng ang kwenta nito [sahod], four days lang sila nagtrabaho. Kailangan commensurate sa oras ng trinabaho nila 'yung take home [pay nila]," paliwanag ng ikalawang pangulo.

"Dapat maging supportive tayo lalo na dahil kasagsagan ng kataasan ng presyo ng gasolina."

2022 NATIONAL ELECTIONS

ERNESTO ABELLA

LENI ROBREDO

LEODY DE GUZMAN

OIL PRICE HIKE

PANFILO LACSON

WORKER'S RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with