^

Bansa

Robredo tatanggapin kung iendorso ni Duterte sa pagkapangulo, kaya makipagtrabaho 'kahit kanino'

James Relativo - Philstar.com
Robredo tatanggapin kung iendorso ni Duterte sa pagkapangulo, kaya makipagtrabaho 'kahit kanino'
Litrato ng courtesy call ni Bise Presidente Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo sa Malacañan Palace, ika-4 ng Hulyo, 2016
Malacañang Photo Bureau / King Rodriguez

MANILA, Philippines — Bukas na bukas si Bise Presidente Leni Robredo sa posibilidad ng pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kandidatura sa pagkapresidente ngayong 2022 — kahit na kilalang nagbabangayan ang dalawa sa iba't ibang isyu ng gaya ng karapatang pantao at "war on drugs."

Ika-12 kasi ng Marso nang sabihin ni Duterte sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy na isa sa "best qualities" ng mga nais maging pangulo ang pagiging abogado. Sina Robredo at Jose Montemayor Jr. lang ang abogado sa 10 presidential candidates.

Ang ano nga is, hindi naman ako nagsabi it’s the best quality, but one of the good qualities of a president sana abogado.

"'Yon ‘yong isa sa mga dahilan kung bakit nag-run ako as independent," wika ni Robredo sa isang panayam sa Kidapawan City, Martes, habang idinidiing kaya niyang makipagtrabaho kahit na kanino.

"Mas symbolic sa akin ‘yong pagpapakita na willing ako to work with anyone kahit 'yong mga tao na in the past maraming mga differences as long as hindi transactional 'yong relationship, tapos as long as mas marami kaming mapagkakasunduan kaysa sa aming hindi pagkakasundo."

Kamakailan lang nang iendorso ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone ang kandidatura ng opposition leader sa pagkapresidente, kahit na siya ang vice president ng ruling PDP-Laban sa Visayas. Una nang sinabi ni Evardone na "may blessing" daw ni Digong ang kanyang pag-endorso kay VP Leni, na nakitaan niya raw ng pro-poor agenda.

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na ineendorso rin ng militanteng Makabayan bloc at ligal na pambansa-demokratikong Kaliwa ang kandidatura ni Robredo — na matinding kritiko ni Duterte.

Kasama na rin sa mga humihimok kay Duterte na iendorso si Robredo si Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez, na una nang nagpahayag ng suporta sa ikalawang pangulo.

Hindi pa si Robredo?

Sa kabila ng haka-haka ng ilan na ieendorso ni Digong si Robredo, idiniin ni Cabinet secretary at PDP-Laban secretary general Melvin Matibag na wala pa ring ineendorso ang pangulo na pumalit sa kanyang posisyon.

"All I can say is there’s no endorsement coming from the president for Vice President Leni Robredo to be elected as the president," ani Matibag sa ANC kanina.

"The president is setting up standards. He mentioned general standards of what our next president should have. It just so happened that candidate lawyers, dalawa lang sila na kandidatong lawyers."

Dagdag pa niya, maging ang kanilang partidong PDP-Laban ay nananatiling walang desisyon kung sino ang susuportahan sa pagkapresidente. Ito ay kahit na running mate ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si presidential bet Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

"Sinabi naman ni presidente that he will remain neutral. As of now, he’s neutral. Wala pa rin siyang binabanggit. Even sa partido namin, wala talaga kami pang sinasabi kung sino ang dadalhin ng partido," dagdag pa ni Matibag.

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with