^

Bansa

BBM inilatag ang plano para mapababa ang singil sa kuryente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilatag ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang plano ng kanilang UniTeam para sa mas malaliman at konkretong solusyon at pag-aaral upang mapababa ang singil sa kuryente sa bansa.

Sa kanyang regular na Vlog, iginiit ni Marcos na tututukan ng kanyang pamumuno sakaling palarin na manalo sa darating na halalan ang produksyon, transmisyon at distribusyon ng kuryente sa bansa.

Plano ng kanilang UniTeam na paramihin ang mga energy resources para masigurong hindi na tayo kakapusin ng supply tulad nang pagpaparami ng mga geothermal at hydroelectirc power plant.

Gayundin ang pagpaparami at pagpapalakas ng mga solar at wind power na malaking tulong sa pagpaparami ng supply at pagbaba ng presyo ng kuryente.

Pagtutuunan din nila ng pansin ang pagsusulong sa paggamit ng “Large Scale Battery Storage” na malaki ang tulong para ma-preserba at hindi tayo kapusin ng enerhiya o kuryente.

Giit pa ni BBM naging matagumpay ang naturang teknolohiya sa Ilang bansa tulad ng Europa, Australia at Estados Unidos.

Iminumungkahi rin ni Marcos ang pag-aaral para buhayin ang Nuclear Power Plant na nauna nang itinayo ng kanyang ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos Sr.

Sa pinakahuling survey, 79 porsyento Filipino ang payag sa rehabilitasyon ng Nuclear Power Plant, 65% naman ang payag na magpatayo ng bagong power plant habang 78% ang bukas na pag-aralan ang mga impormasyon ukol sa power plant.

FERDINAND ‘BONGBONG’ MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with