Transport groups atras muna sa taas pasahe
MANILA, Philippines — Umatras na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products.
Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines(ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at 1-United Transport Koalisyon na huwag na lamang humingi ng taas sa minimum na pasahe dahil dodoblehin ng gobyerno ang naibibigay na fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga passenger vehicles.
Sinasabi rin ni Dotr Secretary Arthur Tugade na oras na magtaas ng pasahe ay maaring tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Una nang nagsabi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isasalang nila sa isa pang pagdinig sa susunod na linggo ang P1 provisional increase of P10 minimun fare hike petitions ng iba’t ibang jeepney groups.
Ayon sa DOTr, naglaan ang ahensiya ng P5 bilyong pondo bilang fuel subsidy sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasakyan.
Ang kalahati o P2.5-B ay ibibigay na ngayong Marso at ang P2.5-B ay sa Abril. Aabot sa P13,000 fuel subsidy ang matatanggap ng bawat tsuper.
Nagbabala naman si LTFRB Chairman Martin Delgra na parurusahan at aalisin ang permit to operate ng mga pampasaherong sasakyan oras na malaman na nagtaas agad ng pasahe nang walang otorisasyon mula sa ahensiya.
- Latest