^

Bansa

Dating opisyal ni Sara Duterte naghain ng cyberlibel vs VP candidate Walden Bello

Philstar.com
Dating opisyal ni Sara Duterte naghain ng cyberlibel vs VP candidate Walden Bello
LItrato nina dating Davao City Information Officer Jefrey Tupas (kaliwa) at vice presidential candidate Walden Bello (kanan)
News5/Gem Avanceña; Facebook page ni Walden Bello

MANILA, Philippines — Inireklamo ng cyberlibel ng dating Davao City information officer na si Jefry Tupas si vice-presidential candidate Walden Bello matapos paratangan ng huli ng pagiging tulak ng droga at paggiging drug user ang nauna.

Ang reklamo ay inihain ni Tupas, Lunes, sa Davao City Hall of Justice. Siya ang dating press information officer sa ilalim ni VP candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Aniya, "below the belt" at "walang basehan" ang mga sinabi ni Bello sa isang press conference nitong ika-1 ng Marso.

 

 

Martes noong isang linggo nang sabihin ni Bello ang mga sumusunod na salita: 

"If Davao City is so 'multi-awarded,' why is it that... Mayor Duterte's Press Information Officer Jefry Tupas was nabbed at a beach party where she and her friends were snorting P1.5 million worth of drugs on November 6, 2021?" wika noon ni Bello dahil sa hindi pagdalo ni Duterte-Carpio sa CNN debates.

"That she did not know she was sheltering a drug dealer is not credible."

 

 

Matatandaang opisyal na sinisante ni Duterte-Carpio si Tupas sa kanyang pwesto matapos dumalo sa isang beach resort party sa Mabini, Davao de Oro, kung saan P1.5 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa isang raid. Ayon kay Tupas, wala na siya sa lugar nung mangyari ang raid.

Una nang sinabi ng Malacañang na "hindi binigyan ng special treatment" si Tupas para makatakas, habang idinidiing hindi kasama si Tupas sa search warrant o warrant of arrest na inisyu ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 17 katao ang naaresto sa insidente.

Harassment ni Duterte-Carpio vs Bello?

Iginiit naman ng kampo nina Bello, na running-mate ni presidential candidate Ka Leody de Guzman, na ang kasong ito ay panggigipit lang laban sa kanya.

"The filing of cyberlibel charges by Jefry Tupas is clearly a politically-motivated move. Was Tupas instructed by Sara Duterte to take away attention from her refusal to participate in the Vice Presidential debate? This strategy has one goal in mind: harassment," sabi niya sa press.

"It aims to inconvenience us in legal bureaucracy while failing to address the concerns we've raised about the mayor's tainted record in Davao."

Sa panayam ng Philstar.com kay Bello, sinabi niyang hindi nila babawiin ang naturang pahayag laban kina Tupas at Duterte-Carpio. Bukod pa riyan, handang-handa naman daw silang humarap sa korte hinggil sa naturang reklamo.

Dagdag pa nila, hindi dapat gumamit ng ligal na mga maniobra para matakpan ang katotohanang "duwag" sa debate si Duterte-Carpio. Wala rin daw patutunguhan ang kaso lalo na't "politically-motivated" daw ito.

"Walang bawian ng [statement] dito. There is no such thing as making bawi this statement. We'll stand on it," ani Bello, na dating kinatawan ng Akbayan party-list.

"We're prepared to do that [face them in court]. There are so many lawyers that would like to defend us [in this case] so that they can protect people from the use of cyberlibel to harass people politically." — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

CYBERLIBEL

DAVAO CITY

DRUGS

SARA DUTERTE-CARPIO

WALDEN BELLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with