^

Bansa

Duterte itinaas sa 16-anyos sexual consent; statutory rape pinalawak saklaw

James Relativo - Philstar.com
Duterte itinaas sa 16-anyos sexual consent; statutory rape pinalawak saklaw
File photo ng presong nakaposas
The STAR / Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines (Na-update 2:43 p.m.) — Mula sa 12-anyos, itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "age of sexual consent" patungong 16-anyos — dahilan para awtomatikong maging statutory rape ang krimen ng mga nasa wastong gulang na makikipagtalik sa mga batang 15 pababa.

Pirmado na kasi ni Digong ang Republic Act 11648, bagay na isinapubliko ngayong Lunes, na layong protektahan ang mga bata sa panggagahasa at sexual exploitation ng mga nakatatanda.

Rape is committed... when the offended party is under sixteen (16) years of age or is demented... Provided, That there shall be no criminal liability on the part of a person having carnal knowledge of another person under sixteen (16) years of age when the age difference between the parties is not more than three (3) years, and the sexual act in question is proven to be consensual, non-abusive, and non-exploitative: Provided, further, That if the victim is under thirteen (13) years of age, this exception shall not apply.

Sa statutory rape, panggagahasa agad kung ituring ng batas ang pakikipagtalik sa mga wala pa sa age of sexual consent kahit na pumayag pa ang menor. Ang krimen ng rape ay karaniwang may parusang reclucion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong.

Ang "non-abusive" na pamamaraang tinutukoy sa batas ay ang kawalan ng sumusunod habang nangyayari ang naturang sexual activity:

  • undue influence
  • pananakot
  • panloloko
  • pamemwersa
  • physical, sexual, psychological o mental injury
  • pagmamaltrato
  • atbp.

Non-exploitative din kung ituturing ng batas kung walang aktwal o pagtatangkang pagsamantalahan ang pagiging bulnerable ng bata.

 

'Panalo tayo!'

Ikinatuwa naman ng principal author ng noo'y Senate bill 163 na si Sen. Risa Hontiveros ang pagkakapasa ng RA 11648, bagay na taong 2019 pa niya inihain sa Mataas na Kapulungan.

"PANALO TAYO! Batas na ang Raising the Age of Sexual Consent Act! From 12 years old... 16 years old na. We did it!" wika niya sa isang tweet ngayong umaga.

"It is has been my greatest honor to be one of the authors of this law. To more laws to protect our children!"

Si Hontiveros, na dating kinatawan ng Akbayan party-list, ay muling kumakandidato ngayong 2022 sa pagkasenador.

Una nang inendorso ni presidential candidates na sina Bise Presidente Leni Robredo, Ka Leody de Guzman at ng 1Sambayan ang kandidatura ni Hontiveros para sa May elections.

Pilipinas ang sinasabing may pinakamababang age of sexual consent sa mundo noong nasa 12-anyos pa ito, dahilan para itulak ng iba't ibang grupo at ng Commission on Human Rights ang pagtataas nito sa edad na 16.

Inaamyendahan ng RA 11648 ang Anti-Rape Law of 1997 at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, kung saan 12-anyos ang "age of sexual consent." Dahil dito, walang kasong statutory rape noon ang mga nasa legal age na makikipagtalik sa mga 12-16.

Sa RA 11648, kasong "qualified seduction" o "simple seduction" ang ihahain laban sa isang taong nasa wastong gulang na "mang-aakit" sa 16-17 taong gulang, depende sa pamamaraan at sirkumstansya kung paano nangyari. Meron din itong parusang kulong: prision correcional sa una at arresto mayor sa ikalawa. 

CHILDREN

MINORS

RAPE

RODRIGO DUTERTE

STATUTORY RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with